Advertisers

Advertisers

Konsehal sa Quezon patay sa ambush

0 291

Advertisers

NASAWI ang isang municipal councilor ng Dolores, Quezon nang barilin habang naglalakad nitong Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 18, sa Purok 2, Barangay Dagatan, Dolores.

Kinilala ang biktima na si Orlando “Orly” Barsomo, 47 anyos, ng Brgy. Dagatan.

Kaagad tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.



Sa report, 3:15 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril. Naglalakad ang biktima na bahagi ng kanyang exercise nang sabayan ito ng ‘di nakilalang salarin at putukan sa katawan. Dead on the spot ang konsehal.

Nabatid na last term na ngayon Barsomo bilang konsehal ng bayan ng Dolores. Dati siyang barangay chairman ng Brgy. Dagatan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.(Mark Obleada)