Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TILA hinuhubog ngayon si Kim Chiu ng Kapamilya Network na maging isang epektibong host. Tsikang si Kim daw ang napipisil na maging kapalit ni Toni Gonzaga sa Kapamilya Channel bilang host.
Kung matatandaan ay totally nasa ALLTV na si Toni at doon ay mayroon na siyang ongoing talk show. Sa kabilang kampo ay natsika naman na si Toni raw talaga ang first choice na maging host ng bagong reality show na “Dream Makers” at hindi si Kim na siyang ipinakilala bilang main host ng naturang show.
Inalmahan naman ito ni ABS-CBN business unit head Mr. Reily Santiago sa pagsasabing no other choice sila sa pagpili ng main hosts ng “Dream Makers” kundi sina Kim at Ryan Bang.
“When we pitch it to management, wala, ano talaga. Good choice si Chiu and Ryan Bang. Nakita mo na rin ‘yung combination na ‘yan sa Showtime. Kapag nag-translate ‘yan sa primetime, si Ryan is a kuya here for the dream chasers. Then si Kim, she’s a dreamer as well,” say ni Reilly.
Aside from Chiu and Bang, the talent search will feature Filipino mentors Darren Espanto, Bailey May, and Angeline Quinto. Premiering on November 19 and 20, Dream Maker will air every Saturday and Sunday on ABS-CBN.
***
KATYA SANTOS KERI PANG MAGPASEKSI PERO AYAW NA NG TODO HUBAD
KAHIT sabihin pa na hindi na ‘sikat’ ang minsang naging super hot na all female group na Viva Hot Babes, active pa rin naman ang ilan sa members nito sa showbiz tulad nina Katya Santos, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Maui Taylor at Sheree. Ilan sa mga Hot Babes ay lumalabas pa rin sa mga pelikula ng Vivamax.
Sa darating na November 28 ay streaming na ang masasabing launching movie ni Micaella Raz na “Bata Pa Si Sabel” at may special participation si Katya sa naturang pelikula.
At nang matanong si Katya kung ano ang maipapayo niya mga baguhang sexy stars ngayon na walang urong sa hubaran tulad ni Micaella ay ito ang say ni Katya.
“Ang tapang nila. Sana lang ’yong nagiging focus nila sa tapang nila is not fame or money. Sana ’yong craft pa rin ang iisipin,” ani Katya.
Kung si Andrea del Rosario ay sumabak pa rin sa hubaran sa movie na siya ang lead actress, ang “May-December-January”, kayanin din kaya ni Katya na sumabak sa pagpapaseksi uli?
“Oo, pero ’yong characters ko mga mommy na lang nu’ng mga naghuhubad. Kaya ko ’yon. P’wede pa ako doon. Basta walang frontal nudity. Pero kaya ko pa namang magpa-sexy. Wala na lang mga super hubad-hubad,” sagot ni Katya.