Advertisers

Advertisers

COMELEC HANDA MAGDAOS NG BSKE SA MAYO

0 166

Advertisers

TINIYAK ng Commission on Election (COMELEC) ang kahandaan nito na magsagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa buwan ng Mayo 2023 kung ipag-utos ng Korte Suprema.

Sinabi ni Comelec Chairperson, Atty. George Erwin Garcia, na ang buwan ng Mayo ang pinaka-praktikal na panahon sa Komisyon para isagawa ang halalan pambarangay.

Hindi aniya kakayanin ng Comelec na magsagawa ng Barangay at SK elections kung mas maaga sa Mayo 2023.



Ito rin ang inilagay nila sa kanilang isinumite na ‘memoranda’ sa Korte Suprema matapos ang oral argument noong Oktubre.

Base sa inaprubahan na batas ng Kongreso, gagawin ang Barangay at SK elections sa Oktubre ng susunod na taon, ngunit nais itong ipawalang bisa ng election Lawyer na si Romulo Macalintal.

Nitong Miyerkules, Nob. 16, ay muling nagtungo si Macalintal sa Korte Suprema para kalampagin na magdesisyon na ito sa kanyang petition laban sa muling pagpaliban sa BSKE na dapat ay gawin sa Disyembre 5, 2022.

Nag-file si Macalintal ng ‘Extremely Urgent Motion’ para maglabas na ng ‘temporary restraining order’ ang Korte Suprema sa pagpatupad ng batas na pagpaliban sa BSKE.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">