Advertisers

Advertisers

ABOT-TANAW NA ANG BENTE

0 251

Advertisers

PINASINAYAAN ng kasalukuyang administrasyon ang proyektong ‘Kadiwa ng Pasko’ sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mayroong 14 na sangay sa buong bansa.

Sangkot sa proyektong ito ang National Food Authority (NFA) na may mandato sa pagbibigay ng mababang presyo ng mga pangunahing produkto sa merkado lalo na ang bigas.

Inihayag ng Pangulo na madaragdagan pa ang mga sangay nito kahit lumipas na ang panahon ng Kapaskuhan upang patuloy na matulungan ng gobyerno ang mga mahihirap na Pinoy na makabili ng mura na pero may kalidad na bigas.



Saglit pa lamang sa Malakanyang ang Pangulo pero naisubsob na agad ang presyo ng bigas sa pinakamababang presyo na bente-singko o P25.00 kada kilo na resulta ng epektibong kilos ng NFA.

Si NFA, mga kababayan… ang tanging sangay ng gobyerno na ang mandato ay malugi kada taon masiguro lamang na mayroong murang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Ubra naman pala pero hinintay pa na ang Pangulo ang maging kalihim ng Department of Agriculture o DA kung saan nasasakupan nito ang NFA kabilang na rin ang kotrobersiyal kamakailan na Sugar Regulatory Administration (SRA).

Noong una ay inakala ng marami na suntok sa buwan ang ginawang pahayag ng Pangulo patungkol sa nais nitong maibaba sa bente kada kilo ng bigas subalit ngayon ay abot-tanaw na ito.

Malaki ang magiging epekto nito sa mga kababayan natin partikular na ang mahihirap lalo na’t papalapit na ang mismong araw ng pagdirawang ng Kapaskuhan kaya siguradong may mapagsasaluhan na kanin sa hapag-kainan.



Sana naman ay huwag sumiksik para makabili ang mga kababayan natin na masasabing nakaka-angat kahit papaano sa buhay dahil kapag nangyari iyon ay [baka] maubos agad ang suplay ng murang bigas.

Bilang kalihim ng DA ay naasikaso na ng ating Pangulo ang problema sa presyo ng asukal at bigas. Baka puwede naman pagtuunan ng pansin ang presyo ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa pagluluto ng ulam.

Sa isyu na iyan ay hindi ang Pangulo bilang kalihim ng DA ang may mandato kundi ang Department of Trade and Industry (DTI) na dapat nagbabantay sa mga mapagsamantala sa presyo lalo na sa panahon na ito.

Nagkaroon na ng mababang presyo ng bigas pero kung ubod naman ng mahal ang gastusin para magkapagluto ng ulam na makatao ay baka pulos bigas na lang pero walang ulam ang mga kababayan natin. Tiis pa rin sa asin tsk tsk tssk

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com