Advertisers
Dahil sa pandemic na kinaharap. Ilang taon din na hindi naisagawa ang nakaugalian ng Barangay Assembly na ginaganap 2 beses sa loob ng 1 taon. Hanggang sa ideklara na ang face to face.
Kaya isinagawa na ang ikalawang yugto ng Barangay Assembly ang mga opisyales ng Brgy. 128 Z-10 Dist. I Paradise Heights. Ang talakayan pinangunahan ni P/B Sigfred Hernane. Sinundan ang pag-uulat ng mga opisyales hinggil sa kanilang mga hawak na committee Kag. Albin Salamat (Education), Kag. Ricky Hernane (Appopration), Kag.William Depano (Livelihood), Kag. Julian Dela Cruz (Solid Waste, Clean & Green), Kag. Josephine Bartolata (Señior, PWD, Solo, at VAWC ), Kag. Perry Dumaluan (Health & Nutrition), Kag. Jesus Dela Cruz ( Peace & Order ), Sec. Jheanie Ramirez, Asst. Sec. Wendy Cañeda, Treas. Antonnette Geli & SK Chairwoman Alma Geli. Sa pakikiisa ng mga guro ng MDSW.
Kanilang tinalakay ang mga pangyayari simula ng magkaroon ng pandemic hanggang sa kasalukuyan. Ang pagbibigay suporta at lubusang pag-alalay nung kasagsagan ng pandemya. Laging nakaalalay sa kanilang mga residente lalo na kapag dumarating ang mga kalamidad katulad ng bagyo.
Tinalakay din ang naging distribution ng mga gatas at itlog sa mga señior. Mga bigas, mga de lata at dry goods. Lingguhang clean-up drive, segregation ng mga basura, libreng print, xerox, at pamimigay ng mga school supplies sa mga mag-aaral. Pagkakaroon ng Sports Summer League na suportado ni Punong-Barangay. Ang pagiging Drug Free ng mga opisyales at mga tanods. At marami pang mga programa ang mga naisagawa na at mga naka-planong gawin. Mabuhay po kayo. Isa po kayong karangalan ng Barangay.(Beth Morente)