Advertisers

Advertisers

Sinalanta ni “Paeng” sa Tuguegarao, hindi iniwanan ni Mayor Ting-Que

0 228

Advertisers

Nakabibilid talaga si Tuaguegarao City Mayor Maila Ting-Que, anak ng dating alkalde na si Delfin Ting. Bakit? Talagang hindi niya iniwanan ang kanyang mga konstituwent na sinalanta ng bagyong si Paeng simula Biyernes hanggang sa makalabas sa PAR ang bagyo nitong Undas.

Umpisahan natin sa ganito. Biyernes (Oktubre 28, 2022) batid natin na kasagsagan na ng pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong si Paeng, hindi lamang sa Cagayan Valley kabilang ang Tuguegarao City dito, gayun din sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bagamat, hindi pa kalakasan ang ulan sa Tuguegarao pero halos walang tigil ay pinakilos na ni Mayora ang kanyang mga tauhan sa City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) para magsagawa ng monitoring sa mga barangay na madalas o inaasahan babahain.



Hindi lamang monitoring ang isinagawa at sa halip ay nagbigay na rin sila ng babala sa mga residente ng maghanda-handa na rin para sa paglikas o huwag nang hintayin pang tumaaas ng tubig baha bagong lumikas.

Ilikas ang mga importante kagamitan lalo na rin ang mga alagang hayop na ikinabubuhay din ng marami at siyempre, ang sarili ang uanahin iligtas.

Kinabukasan dahil sa wala nang tigil ang pagbuhos ng ulan, lalo na’t nagsabi ang pamunuan ng National Irrigation Authority (NIA) na nakatakdang magbubukas ng pitong gate ang Magat Dam. Hayun, ang babaeng alkalde ang nanguna na mismo na pagpunta sa mga barangay para kombinsihin ang mga residente na magsilikas na….yes, force evacuation na ang pinairal na idinaan naman sa makataong paraan.

Inaasahan kasi sa Tuguegarao City na napalibutan ng Cagayan River na sa tuwing bumabagyo at magre-releease ng tubig ang Magat Dam ay makakaroon ng malawaking pagbaha, hindi lamang sa Tuguegarao City kung hindi maging sa karatig bayan at lalawigan tulad ng Isabela. Ang Magat Dam ay nasa Isabela.

Nasaksihan natin na mismong si Mayor Ting-Que ang nanguna sa pagpapalikas katulong ang puwersa ng personnel ng iba’t ibang barangay, pulisya at mga konsehal din.



Hindi lang paglikas ang pinangunahan ni Mayora kung hindi maging ang pagbibigay ng relief goods sa mga nasalanta.

Ngayon, dahil sa mabilisang aksyon ni Mayora sampu ng mga konsehal, mga tauhan ng CDRRMC, mga opisyal at tauhan ng barangay, pulisya, TODA at iba pang pribadong sektor, mabilis na nailikas ang mga residente bago pa tumaas ang tubig baha mula sa Magat Dam o malubog sa baha ang kani-kanilang bahay – nagawa nang mailigats ni Mayora ang kanyang mga konstituwent maging ang kani-kanilang hayop na pinagkakakitaan o katuwang sa hanapbuhay bagog malubog sa baha..

Sa ipinamalas na hakbangin ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao sa panguinguna nga ni Mayora Ting-Que, ang good news dito ay walang naitalang na namatay o missing sa sakuna. Correct me if ‘am wrong.

Siyempre, hindi lamang paglikas ang ginawa ng LGU kung hindi ay walang tigil din ang pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga nasalanta partikular ang pagkain.

Bagamat, talagang maraming pananinim ang winasak ni Paeng.

Hayun, hanggang kahapon kahit wala na si Paeng pero nananatiling baha pa rin sa mga barangay – Gosi, Atulayan, Linao, Annafunan, Balzain, Buntun, Riverside, Bagumbayan, Cataggaman, Palua, Bagay, ay patuloy ang pagbibigay ng LGU ng relief goods sa mga nasalanta.

Sa pakikipagharap din ng alkalde sa mamamayan ay kanyang pinaaalahanan ang mga ito na sa tuwing may darating na bagyo o sakuna ay magsagawa na ang lahat ng pre-emptive evacuation at huwag nang hintayin pa ang trahedya bago kumilos.

Pinasalamatan din ng alkade ang mga tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD); PAGCOR at sa ilang pribadong sektor.

Sa iyo Mayor Ting-Que, sampu ng bumubuo ng Tuguegarao City Local Government Unit, Tuguegarao Police Office, Cagayan PPO, TODA, maraming salamat sa inyong kabayanihan. God bless…salamat po Panginoong Diyos sa kaligtasan ng bawat isa.