Advertisers

Advertisers

Nagwawala na si Bantag; at sipag ni Pangulong Bongbong

0 217

Advertisers

NAGWAWALA na si suspended Bureau of Correction (BuCor) Director General Gerald Bantag sa pagdawit sa kanya sa pagpaslang sa hard-hitting radio commentator at tabloid columnist Percy Lapid (Percival Mabasa).

Siya talaga kasi ang nadidiin sa kaso. Halos lahat kasi ng ebidensiya ay sa kanya papunta. Kailangan nalang ng mga imbestigador ng matibay na patunay para masabing si Bantag ang salarin sa Lapid murder. Araguy!!!

Sa ngitngit ni Bantag, inupakan niya ang pamunuan ng Philippine National Police, Director General Rodolfo Azurin, Jr.; pati ang pumalit sa kanya na si retired AFP Chief Gregorio Catapang ay kanyang binira. Dati raw RAM (Reform the Armed Forces Movement) si Catapang na kasama sa nagpagsak sa ama ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.. Araguy!!!



Maging si President Bongbong Marcos ay kanyang binatikos at binalaan.

Si PBBM kasi mismo ang nag-utos sa PNP at Department of Justice na habulis ang mastermind sa pagpaslang kay Lapid, matapos sumuko ang gunman at ikanta ang nag-utos sa kanila para paslangin ang mamamahayag.

Base sa mga nakalap na ebidensiya at testimonya ng mga testigo, mistulang si Bantag ang tinuturong mastermind.

Kaya naman nagsalita si Bantag na hindi siya magpapakulong ng buhay: Ipapahintulot ko bang makulong ako? Patayin nalang ninyo ako. Kasi alam ko mangyayari sa akin do’n eh. ‘Di naman ako katulad ng mga senador, mga nakulong na bigtime na sabihing proteksiyunan nyo ‘yan. Na kung sasabihin nilang ako ang target nila? Magpapatayan nalang kami ng gobyernong ito!”

Isa sa mga rason kung bakit napasama sa “persons of interest” si Bantag ay dahil isa siya sa binatikos ng todo ni Lapid sa programa nitong ‘Lapid Fire’ sa am radio DWBL. Bagama’t hindi siya pinangalanan ni Lapid sa blind item nito tungkol sa isang opisyal na biglang yaman nang mapunta sa Department of Justice during Duterte administration. Nagkaroon daw ito ng 11 sasakyan at mansion sa isang subdivision sa Laguna.



Nangyari ang pagpatay kay Lapid ilang buwan matapos ibunyag ng brodkaster ang pag-instant rich ng opisyal ng DoJ. Ang BuCor ay under ng DoJ.

Sa mga banat ni Bantag sa PNP, DILG at pati kay PBBM ay lalo lamang siya pinag-initan ng mga imbestigador ng Lapid murder.

Sabi ng PNP at ng DoJ, “very close” na sila sa pagtukoy sa mastermind ng pagpatay kay Lapid. Kung sino man ang mastermind na ito, malalaman na natin in few days. Abangan!

***

Bilib ako sa kaagad na pag-aksyon ni PBBM sa mga naapektuhang lugar ng nagdaang bagyong Paeng.

Una, kahit binabayo ni Paeng ang buong bansa mula Biyernes hanggang Linggo ay walang tigil si PBBM sa pagpulong sa kanyang mga opisyal via Zoom. Iniutos niyang huwag nang hintayin matapos ang bagyo bago kumilos. Aniya, basta’t kaya ng mga equiment ang pag-rescue at pagsaayos sa mga nagbarang kalsada ay gawin agad, at kung kaya ng air assets na magdala ng mga ayuda sa mga nasalanta ng bagyo ay i-distribute na kahit gaano kahirap. Ayaw niyang magutom ang mga binagyo. Yes!

Iniutos rin ng Pangulo sa DSWD na huwag nang ipatupad ang ticket system sa pamimigay ng ayuda. Okey lang aniya kahit magdoble ang importante ay matighaw ang gutom ng mga nasalanta ng bagyo. ‘Yan ang Pangulo! Mabuhay!!!