Advertisers

Advertisers

Kurash at swimming sa TOPS ‘Usapang Sports’

0 276

Advertisers

USAPANG swimming at martial arts na kurash ang hihimaying isyu sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Nov. 3) sa Behrouz Persian Cuisine sa Sct. Tobias, Brgy, Laging Handa, Quezon City.

Magbibigay ng kanilang kuwento at karanasan ang mga batang swimmers mula sa Swim League Philippines na nagwagi ng medalya sa nakalipas na Hamilton Aquatic Short Course sa Hamdan Sports Complex sa Dubai, United Arab Emirates sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.

Sa pangangasiwa ni coach Bryan Estipona, nagwagi ng silver medal si Master Charles Janda sa 50m backstroke, habang humakot ng dalawang bronze medal (50m back at 50m butterfly), si David Morvyn Gillego at may tig-isang bronze medal sina Andrae Kenzie Samontanes (200m fly) at Louis Andrei Lim (100m breast).



Ipapahayag naman ni Fred Ancheta, co-organizer ng Manila Swim Fest, ang kahandaan para sa paglarga ng grassroots sports program ng SLP, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa Nobyembre 5 sa Philippine Columbian Association (PCA) swimming pool sa Plaza Dilao, Paco, Manila.

Bibigyan kaalaman naman ni Roland Ilamas, pangulo ng Kurash Federation, ang Pinoy sports fans hingil sa combat sports na nagmula sa bansang Uzbekistan.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports enthusiast na makiisa sa talakayan na magsisimula ganap na 10:30 ng umaga at mapapanood via livestreaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page at sa Channel 45 ng PIKO (Pinoy Ako) –ang pinakabagong media network sa mobile app.