Advertisers
NASAWI ang isang konsehal, anak at pamangkin nang tangayin ng baha ang sinasakayan nilang kuliglig sa kasagsagan ng bagyong Paeng sa Panitan, Capiz noong Oct. 31, 2022.
Kinilala ang mga biktima na sina Ricarte Dorado, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Panitan; anak na si Maricar at pamangkin na si Janet Bismanos.
Sa report, 2:00 ng hapon ng Lunes nang maganap ang aksidente sa Befy Bahit, Panitan.
Sakay ang mga biktma ng isang kuliglig at papauwi na sana nang tangayin ito ng malakas na agos ng tubig sanhi ng malakas na buhos ng ulan.
Sa isinagawang search and rescue operation, natagpuan si Maricar ngunit dead on arrival sa Bailan District Hospital sa Pontevedra. Habang ang bangkay ni Dorado at Janet Bismanos ay narekober 6:00 ng umaga ng Nov. 1, 2022.
Sa datos ng Panitan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), 4 katao ang nasawi sa Panitan, habang 2 sa Panay at Pontevedra
Nagdeklara ng “State of Calamity” ang Provincial Governmet ng Capiz makaraan lumubog sa baha ang 309 barangays mula sa 17 municipalites sa bagyong Paeng.(Mark Obleada)