Advertisers

Advertisers

GILAS PILIPINAS, BALIK-HIRIT SA 5TH WINDOW

0 174

Advertisers

BALIK-HIRIT ang ating national team GILASPILIPINAS para sa 5th window ng FIBA WORLD CUP ASIAN QUAIFIERS.

Sasabak sila sa November 10 versus JORDAN at sa November 13 versusSAUDI ARABIA.

Kumpirmado na lalaro si KAI SOTTO sa basbas ngkoponan niyang NBL-ADELAIDE 36ers para makasama ang Japan-based Pinoyplayers na sina THIRDY at KIEFER RAVENA, DWIGHT RAMOS, RAY PARKS, JR.at PBA selection mula sa SAN MIGUEL BEERMEN, GINEBRA at TALK N TEXT.



Ito po ang roster: KAI SOTTO, THIRDY RAVENA, KIEFER RAVENA, DWIGHTRAMOS, RAY PARKS, JR., JUNE MAR FAJARDO, CJ PEREZ, JAMIE MALONZO,SCOTTIE THOMPSON, JAPETH AGUILAR, CALVIN OFTANA, JP ERAM, RR POGOY,ARVIN TOLENTINO, WILL NAVARRO, CHRIS NEWSOME, ANGE KOUAME, CARLTAMAYO, KEVIN QUIAMBAO, FRANCIS LOPEZ.

Well, dahil injured pa si JUNEMAR ‘The KRAKEN’FAJARDO, inaabangan kung may changes sa lineup bago tumulak ang teamsa November 7. Whatever, suportahan po natin ang national team, let’swish them luck!

KWF, TUTOK SA NANGANGANIB
NA WIKANG PILIPINO
NAMATAAN namin ang isang maganda at maipagmamalakingtema na nais naming maibahagi sa lahat. Sa natatanging likas na yamanng Pilipinas mula sa sa mga bundok, mga lupain at karagatan nadinarayo maging ng mga taga-ibang bansa, bukod sa likas na mga talentoat katangiang Pilipino kabilang ang ating mga manlalaro o AtletangPinoy, mayaman din ang Pilipinas sa wika.

Ayon kay DR. ARTHUR P. CASSANOVA, Tagapangulo ngKOMISYON SA WIKANG FILIPINO, may kabuuang bilang na 130 ang wika ngPilipinas at 44 sa mga ito ang katutubong wika. Idiiniin ni CASSANOVAna maaring maglaho o mabawasan ito kung hahayaan lamang.

Sa pagtutok dito, ibinukas ng Komisyon ang PAMBANSANGKONGRESOSA NANGANGANIB NA WIKA kamakailan na ginanap sa PambansangMuseo ng Pilipinas. Ito ay para sa pagpapasigla ng wika at upangmahikayat ang mga katutubo at komunidad na idokumento ang kanilangwika at magsaliksik.



Kasama sa programa ang pagtatatag ng BAHAY-WIKA saiba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ituturo sa mga katutubong kabataanang kanilang mahalagang wika at kultura. May isa na ngayong BAHAY-WIKAna matatagpuan sa BATAAN.

‘Sa 2023, sisimulan po namin ang Bahay-Wika sa Aurora,Quezon halos kasabay ng isa pa sa Kabisayaan, at sa Negros.’ pahayagni CASSANOVA na aminadong kakailanganin ang malaking budget para saBahay-Wika. Sa mga nagnanais lumahok, makiisa at sumuporta saprograma, maari pong makipag-alam o sundan ang KWF page sa FaceBook.

NOVEMBER CHEERS
MANY HAPPY RETURNS OF THE DAY to SAMUEL ANDERS R.ALEJO of Quezon City, LEONORA S. GATBONTON and CERENIA ‘EARLY’FRANCISCO RIO of Bataan, to JERAMIE GEDE and ANALIE MAGTULIS ofMandaluyong City and KYLE PIOLO CENTENO of Taguig City. May you havethe best blessings. HAPPY READING!