Advertisers
IPINAHAYAG ng North Luzon Expressway (NLEX) na dumanas ng matinding trapiko sa highway sa pagdagsa ng mga biyaherong pabalik ng Metro Manila nitong Miyerkules.
Sa pahayag ng NLEX management, nagkaroon ng 10-percent increase sa traffic volume sa kalsada.
Sa pagtaya nito, umabot sa 278,000 sasakyan ang gamit ng NLEX nitong Araw ng mga Kaluluwa.
Pinayuhan ng NLEX ang mga motorista na bumiyahe sa off-peak hours upang hindi maipit sa trapiko.
Sa kabila nito, tuloy pa rin ang alok ng NLEX ng libreng towing service para sa mga Class 1 na sasakyan.
Nag-deploy pa ng karagdagang traffic marshalls, toll lane personnel, at patrol crew members ang pamunuan ng NLEX sa nabanggit na lugar.