Advertisers
Nanalasa man ang bagyong PAENG na sinundan pa ng bagyong QUEENIE nitong nagdaang araw na maraming mga lugar sa bansa ang binaha ay tiniyak ng DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA) na sapat ang imbak na bigas para sa sambayanan.
Sa panayam ng RADYO PILIPINAS sa programa ni HESER ROBREGADO kay DA-ASSISTANT SECRETARY KRISTINE EVANGELISTA ay inihayag ng naturang DA OFFICIAL na walang dapat ipangamba ang sambayanan.., dahil sa kanilang naging imbentaryo ay sapat ang mga naimbak na bigas sa ating bansa.
Aniya, ang mga ulat mula sa iba’t ibang rehiyon ng kanilang ahensiya ay nakapag-imbak umano ng mga bigas at marami ring mga magsasaka na matapos ang pananalasa ng bagyo ay may naani pa rin umanong mga palay mula sa kanikanilang mga pananim.
Bunsod nito, ang DA ay abala umano ngayon sa pagtutok para sa mga PRICE MONITORING sa lahat ng mga AGRICULTURAL PRODUCT upang huwag magkaroon ng pagkakataon ang mga mapagsamantalang negosyante sa ating bansa.
Bahagi ng PRICE MONITORING ay nagsasagawa rin si ASEC. EVANGELISTA ng surpresang pagbisita sa iba’t ibang mga palengke na aniya hindi lamang presyo ang kanilang inaalam kundi maging ang kalidad ng mga paninda tulad ng mga double dead at hindi dumaan sa food inspection ay kanilang ipinauubaya sa enforcement agency.., na ito ay bahagi sa pag-iingat para sa kalusugan ng mamamayan mula sa mga nabibili nila sa mga merkado.
Si ASEC. EVANGELISTA ay isa sa mga masugid na opisyales ng DA para sa pagsusulong sa adhikain ni PRESIDENT/AGRICULTURE SECRETARY FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. na mapalakas ang sektor ng agrikuktura.. upang huwag umasa sa importasyon ng mga pagkain at sa halip ay mapayabong at maging progresibo ang ani ng mga magsasaka, mangingisda at mga naghahayupan sa iba’t ibang panig ng ating bansa.
Naalala ko noong aking kabataan, panahon ng NARTIAL LAW ay ang ating bansa ang isa sa supplier ng mga bigas sa iba’t ibang bansa.., na ang ibang mga nationality ay nagsipag-aral pa rito sa ating bansa para matuto sa larangan ng agrikuktura.., pero, nang mapatalsik sa MALACAÑANG ang MARCOS FAMILY ay naiba na ang galaw ng agrikuktura.., resulta, ang PILIPINAS na ang umaangkat o bumibili ng mga AGRI PRODUCT sa iba’t ibang bansa.
Ang gayong sistema ay namaniobra ng mga CROOKED BUSINESSMEN sa pakikipagkutsabahan ng mga GOVERNMENT OFFICIAL sa mga nagdaang administrasyon.., ika nga, namayagpag ang CORRUPTIONS sa ating gobyerno!
Sa punto ng ARYA.., bago ipasa ni PRES. BONGBONG sa ibang personalidad ang posisyon niya bilang DA SECRETARY ay nararapat na maduskubre ang iba’t ibang sindikato sa agrikuktura.., kasuhan at bawiin ang mga perang kinulimbat sa dapat ay ipinantustos sa AGRI PROJECTS.
Kung maisakatuparan ni PRES. BONGBONG ang rehabilitasyon sa kalakaran ng DA at mapanagot ang mga naging CORRUPT sa ahensiya ay maaari nitong ipagkatiwala ang pangangasiwa ng DA sa isang tulad ni ASEC. EVANGELISTA dahil sa mga taglay nitong credentials.
Ang naturang opisyal ay na-appoint bilang UNDERSECRETARY sa DA noong huling isang-taon sa termino ni dating PRESIDENT RODRIGO DUTERTE upang pangasiwaan ni EVANGELISTA ang “consumer and political affairs’.. na bukod sa pagiging USEC ay ASEC din ito para sa agribusiness and marketing,
“ASEC. EVANGELISTA spearheaded the
development and implementation of the company’s compliance framework in coordination with global practice group for anti-bribery and corruption and competition law, including conduct of trainings, assistance in investigations, and audit reviews,” pahayag ni BROADCASTER ROBREGADO hinggil sa ilang background ng nasabing opisyal.
Malaki pala ang maitutulong nitong si ASEC EVANGELISTA na nagtapos sa ATENEO DE MANILA UNIVERSITY BACHELOR OF SCIENCE IN MANAGEMENT MAJOR IN LEGAL MANAGEMENT noong 1995 at noong 1999 ay nagtapos ito sa SCHOOL OF LAW, JURIS DOCTOR .., na malaking kuwalipikadyon para mangasiwa ng kagawaran tulad ng DA!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.