Advertisers

Advertisers

Bangkay ng 2 babae nadiskubre sa bangin

0 175

Advertisers

DALAWANG bangkay ng babae ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isang matarik na bangin Lunes ng hapon sa Tuba, Benguet.

Humihingi ng tulong ang pulisya sa publiko upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima na natagpuan sa bangin sa may Marcos Highway, Tuba 1:30 ng hapon.

“Kung sinuman po ang may nawawalang kamag-anak, mangyaring makipag-ugnayan sa aming opisina dito sa Tuba Municipal Police Station para sa agarang pagkakakilanlan ng mga bangkay,” ayon sa Tuba Police.



Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay kapwa may taas na 5’ 2”. Ang isa ay may kapayatan ang pangangatawan at nakasuot ng dark blue T-shirt, black jogging pants at itim na pares ng sapatos; habang ang isa ay katamtaman ang pangagatawan at nakasuot ng itim na T-shirt, blue jeans at puting pares na sapatos.

Hindi pa tinukoy ng pulisya kung ang dalawang biktima ay pinatay sa bangin o patay na bago sila itapon sa lugar.