Advertisers

Advertisers

Optional na pagsusuot ng face mask sa mga paaralan aprub sa DepEd

0 254

Advertisers

PAPAHINTULUTAN ng Department of Education (DepEd) ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa loob ng classroom.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, maglalabas sila ng amendatory department order hinggil dito.

Kamakailan lang nang ilabas ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order No. 7 kung saan optional na lamang ang pagsusuot ng face mask sa indoor areas.



Sa ilalim nito, mandatory lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga public transportation, medical transport vehicles gaya ng ambulansya at mga healthcare facilities.

Sa naunang DepEd Order Number 39, series of 2022, boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask sa open spaces o non-crowded areas sa mga paaralan, ngunit inoobliga ito sa loob ng silid-aralan, laboratory at iba pang enclosed facilities.

Samantala, ani Poa nakasalalay sa regional directors ang pagbibigay ng exemptions sa mga paa-ralan na hindi pa handa sa full face-to-face classes simula ngayon, November 2.