Advertisers
NAGTAKDA na ng petsa ng voter registration ang Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections o BSKE.
Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, napagpasyahan ng Commission En banc na itakda ang voter registration period sa Disyembre 9 hanggang Enero 31, 2023.
Ito ay upang bigyan daan ang buong pilot testing at pagkatapos ay magsagawa ng komprehensibong post-assessment ang paunang pagpapatupad ng Register Anywhere Project (RAP) sa National Capital Region (NCR).
“Please note that the Commission, in its inherent power to extend the period for registration beyond January 31, 2023, ultimately intends to implement the RAP nationwide based on the lessons to be learned and challenges to be faced and hurdled in the NCR Pilot Testing,” saad pa ni Laudiangco.
Ang inisyal na registration period ay makakayanan din ng Komisyon, sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng Election and Barangay Affairs Department (EBAD), Information Technology Department (ITD) at ng Field Officers, na i-verify at linisin ang Listahan ng mga Botante, bawasan ang doble at maramihang mga rehistro, lalo na sa mga bagong aplikante.
Para sa local voter registration, ang mga kuwalipikadong mamamayan ay maaring magsumite ng documentary requirements at magpakuha ng biometrics sa Office of the Election Officer (OEO) o sa anumang satellite registration site na nakakasakop sa kanilang lugar.
Ang mga overseas voters naman na nais lumahok sa BSKE ay kailangang ilipat ang kanilang registration mula overseas sa local.
Ayon kay Laudiangco mayroon sila hanggang Enero 31 upang maghain ng kanilang aplikasyon sa OEO sa kanilang lugar kung saan sila boboto. (Jocelyn Domenden)