Advertisers
Nagbukas ang Bureau of Immigration (BI) sa pangunguna ni Commissioner Norman Tansingco, ng one-stop-shop (OSS) sa NAIA Terminal 3.
Layunin nitong matugunan ang mga problemang kadalasang kinakaharap ng mga banyaga sa tuwing umaalis sila ng bansa.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, ang OSS ay magpo-proseso ng mga extensions at exit clearances.
Ito aniya ang mga pangunahing nakikita nilang problema ng mga foreign nationals sa immigration area kapag sila ay umaalis.
Present nga pala sa nasabing launching sa NAIA Terminal 3 sina Intelligence Division chief Jun Manahan, NAIA Intel chief Dennis Alcedo, Intel officer Raffy Dimakuta, BI-NAIA spokesman Melvin Mabulac, legal officer Atty. Nell Ganias, officer Monalisa Arroyo, Deputy Commissioner Rogelio Gevero at Alien Registration Division chief Atty. Jake Licas.
Ayon kay Sandoval, ang gusto ng BI ay himukin ang foreign nationals na gawing lehitimo ang kanilang pananatili sa Pilipinas.
Ayaw daw ng BI na may excuse sila o palusot para hindi kumuha ng tamang dokumenteo kaya ang priority ni Commissioner Tansingco ay ilapit sa public ang serbisyo ng Bureau of Immigration.
“This (OSS) is one way para mapalapit sa tao ang mga serbisyo… so, wala nang excuse or dahilan for any foreigner not to comply with regulations,” ani Sandoval.
Ayon pa sa kanya, si Tansingco ay may planong palawakin at i-extend ang mga serbisyong available sa nasabing OSS sa ibang airports, depende kung kailangan.
Nanawagan na din si Sandoval sa mga pasahero ngayong ‘Undas’ particular na sa mga foreign nationals, na tiyaking ang mga dokumento nila ay updated at ang kanilang mga visas ay properly extended.
Sakali man, available naman umanong magserbisyo ang may 60 tanggapan ng BI nationwide, bukod pa nga sa one-stop-shop.
Inatasan na din pala ni Tansingco ang buong puwersa ng immigration bureau para magsilbi sa inaasahang dagsa ng pasahero para sa All Saints’ Day at ‘All Souls’ Day at gayun na din sa Yuletide season.
Bagamat malayo pang marating muli ang parehong bilang ng pasahero bago dumating ang pandemya, unti-unti na rin umanong naangat ang mga pasaherong dumarating at umaalis ng bansa dahil na din sa pagluluwag ng mga restrictions pagdating sa paglalakbay.
Congratulations sa BI sa magandang ideyang pagtatayo ng OSS sa NAIA 3.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.