Advertisers

Advertisers

Mga guro hindi na magmo-monitor ng 4Ps sa mga paaralan – DepEd

0 177

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Education (DepED) na hindi na papayagan ang mga guro na i-monitor ang mga estudyanteng tumatanggap ng cash aid sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), upang mabawasan ang administrative tasks ng mga ito.

Sa liham na may petsang October 20, 2022, ipinaalam ni DepEd Undersecretary at Chief of Staff Epimaco Densing III ang desisyon nito kay Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo matapos na matukoy ang mga guro na inatasang mag-monitor at gumawa ng report para sa 4Ps sa mga paaralan.

Sa ilalim ng Republic Act Number 11310 o 4Ps act, sinabi ni Densing na hindi mandato ng mga DepEd personnel ang subaybayan at gumawa ng report para sa nabanggit na programa.



Samantala, sinabi ni DSWD Undersecretary Eduardo Punay na nakikipag-ugnayan na sila sa DepEd kaugnay sa naturang usapin.