Joshua at Janella trending ang laplapan scene sa ‘Darna’’: Tom nakiusap, wag na banggitin si Carla sa socmed
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NOONG October 23 ay isang taong anibersaryo na ng kasal nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Kaya sa socmed account nito ay bumuhos ang pagbati sa mag-ex ng happy first anniv.
Marami ang nagwi-wish na magkaroon ng second chance sa dalawa.
May mga sinagot naman na komento si Tom sa kanyang page.
Pero sa dami ng komento ng pagbati ay laging bitbit ang namesung ni Carla na dating asawa ni Tom.
Tila sa tadtad ng namesung nilang dalawa ay nakiusap na ang aktor sa kanyang followers.
Huwag na raw banggitin ang namesung ng ex-wife na tila nagka allergic ito sa name ni Carla.
Katuwiran ni Tom na wala na silang dalawa at may kanya-kanya na silang buhay kaya naninikluhod ito sa followers na huwag na isama pa sa kanyang page ang name ni Carla ayaw na niya itong mabasa at marinig.
Wala na raw silang ugnayan sa isa’t isa kaya please lang daw na huwag na i-name drop ang name ni Carla, ang pakiusap ni Tom na enjoy na ngayon sa Las Vegas sa pagiging single.
***
VIRAL ngayon sa socmed ang laplapan ng binansagan na bagong loveteam na JoshNella or Joshua Garcia at Janella Salvador.
Sa isang episode ng Darna ay may laplapan scene sina Joshua at Janella at wala na ngang pagdadalawang isip.
As in, sunggab agad at sinibasib na ni Joshua ang kapareha na si Janella.
Kaya may mga netizen na napa-react na tila nag-enjoy at nasarapan si Joshua sa pakikipaglaplapan.
First time nga lang ginawa ng dalawa ang laplap scene.
Kaya naman pinagpiyestahan ng netizens ang grabeng halikan na ‘yun na scene sa Darna.
May napa-comment na tila masarap humalik si Joshua at feel na feel or depende sa kahalikan.
At dahil sa laplap scene ay nagkaroon na ng titulo si Joshua at binansagan nga itong Higop King.
Para kasi itong sumisipsip ng kuhol or vaccum ang bibig sa paglaplap kay Janella.
Well, well, well…’Yun na!