Advertisers

Advertisers

Informal settlers, nagbalikan sa mga estero

0 214

Advertisers

NABABAHALA ang ilang sektor dahil sa muling pagsulputan ng ilang informal settlers na naninirahan sa mga estero at creek sa Kamaynilaan na siyang nagiging dahilan ng pagdumi ng ating mga katubigan.

Bunsod nito nanganganib na mabigo ang programa ng pamahalaan na muling malinis ang Manila Bay dahil sa nagsulputan na naman ang ilang mga informal settlers na naninirahan sa gilid ng estero sa Kamaynilaan.

Ayon sa ulat, isang halimbawa nito’y ang umano’y nagsulputan na ilang informal settlers dyan sa creek ng Estero de Tripa De Gallina sa Singalong Manila ang itinuturing na longest creek sa Manila na isa sa pangunahing programa ng Department of Environment and Naturang Resources (DENR) na malinis ang naturang estero.



Sinabi sa ulat, bukod umano sa ilang informal settlers diyan sa Eetero de Tripa De Gallina sa kahabaan ng Singalong Manila na nasasakupan ng limang barangay ng Malate Manila kabilang na ang Brgy. 733 may ilang kabahayan din ang umano’y binakuran na rin ang deadend ng kanilang kalye halimbawa nito sa Rosa Mayo Street sa Brgy. 733 Malate, Manila na binakuran ng gate ang kalye upang sa kanilang personal na interes.

Nabatid pa sa ulat, na sinarhan ang deadend ng kalye ng Rosa Mayo Street na patungo sana sa creek ng Estero de Tripa De Galina at nilagyan ng gate na tila binakuran ng isang residente sa lugar.

Kaugnay nito sa isang interview sinabi ni Barangay Captain Noel “Jigs” Raga ng Brgy. 733 ng Maynila, malaking bagay na maire-relocate ng pamahalaan ang mga informal settlers sa kabahaan ng estero upang tuluyang malinis ang itinuturing na Estero de Tripa De Gallina.

“Kailangan lang talaga magkaroon ng political will upang malinis ang Estero de Tripa De Gallina sa mga informal settlers,” ayon pa kay Brgy. Capt. Raga.

Ayon pa kay Raga, humigit kumulang aabot sa 100 family ang naninirahan na informal settlers sa naturang estero (Estero de Tripa De Gallina) sa kanila lamang lugar.



“Noong panahon pa ni dating DENR Sec. Gina Lopez may mga programa na isinasagawa para sa sensus at ang umano’y sana’y paglilipat ng pamahalaan para sa informal settlers sa kanilang lugar subali’t noong nawala si Sec. Lopez tila hindi na natuloy,” ani pa ni Raga.

Ang paglilinis sa Estero de Tripa De Gallina at iba pang creek at estero ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan upang ibalik ang kalidad ng tubig sa Manila Bay kasunod ng Writ of Continuing Mandamus ng Korte Suprema.(Boy Celario)