Advertisers

Advertisers

Covid cases posibleng pumalo sa 18K kada araw sa Nob. at Dis. – DOH

0 149

Advertisers

MARIING nagbabala ang Department of Health (DOH) na papalo mula sa 2,500 hanggang 18,000 ang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa bansa sa Nobyembre at Disyembre kapag hindi ipinagpatuloy ang pagsusuot ng face masks.

Ito ay kasama sa iprinisentang posibleng scenario ng DOH sa pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong nakalipas na linggo kung saan napagpasiyahang gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face masks sa indoor areas.

Sinabi ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, inaasahan na talaga ang pagtaas ng covid-19 infections dahil sa development na ito dahil nananatili pa rin ang covid-19 at patuloy ang mutation.



Subalit binigyang-diin ng opisyal na ang mahalaga ay ang nananatiling nasa minimum level ang severe at critical cases at ang hospital utilization ay manageable pa rin.

Apela rin ng Health official sa publiko na timbangin muna ang kanilang risk mula sa virus bago tanggalin ang kanilang face mask sa indoor areas sa gitna ng mababa pa ring booster coverage sa ating bansa.

Kaya’t hinihimok pa rin ang publiko na eligible na magpabakuna ng booster.