Advertisers

Advertisers

Celfone ng self-confessed gunman at utol ng nasawing middleman sa Lapid slay inieksamin na

0 153

Advertisers

NAGSASAGAWA na ng forensic examination ang Philippine National Police (PNP) sa cellphone na ginamit ng self-confessed gunman sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at ng kapatid na babae ng nasawing middleman.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson, Colonel Jean Fajardo, ang cellphones ng dalawa ay isinumite na sa PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).

Sinabi ng PNP official na ang recorded na pag-uusap sa pagitan ng ‘person of interest’ at bank transactions na may kaugnayan sa pagpatay kay Lapid ay kanilang pinagsama sa isinasagawang imbestigasyon.



Ayon pa kay Fajardo, nagsasagawa na ng financial investigation ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa bank account ng self-confessed gunman na si Joel Escorial, na nasa kustodiya na ng pulisya.

Saad pa nito, maghahain ang PNP ng isang petisyon sa korte para hayaan ang mga imbestigador na busisiin ang iba pang bank accounts na nagkaroon ng transaksyon kay Escorial.

Base sa naunang claim ni Escorial, nasa P550,000 ang inilipat sa kaniyang account matapos patayin si Lapid at inilipat ang ilang halaga sa iba pang indibidwal.