Advertisers
PUSPUSAN ang trabaho ngayon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para maabot ang anim na milyong pabahay sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa taong 2028.
Pahayag ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ito ay para mabigyan ng abot kayang pabahay ang mga low-income earners sa bansa.
Target aniya ng DHSUD na magtayo ng isang milyong bahay kada taon.
Bukod sa abot-kaya, nais din ng DHSUD na mabigyan ng matibay at ligtas na bahay ang bawat pamilyang Filipino.
Nagsasagawa ngayon ang DHSUD ng isang buwang selebrasyon para itaguyod ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino: Zero ISF 2028 Program, na isang flagship housing program ni Pangulong Marcos. (Vanz Fernandez)