Advertisers

Advertisers

6 PULIS NG CALOOCAN SIBAK SA SERBISYO!

0 223

Advertisers

SINIBAK sa serbisyo ang anim na Pulis Caloocan na napatunayang ‘guilty’ sa mga kasong administatibong ‘grave misconduct’ at ‘conduct unbecoming of a police officer’, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ang mga pulis na sina Corporals Noel Espedo, Mark Cabanilla, Jake Rosima, Ryan Gomez, Rommel Toribio at Daryl Sablay, pawang nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station, ay inireklamo ng pagnanakaw ng tinderong si Eddie Yuson ng P14,000 noong Marso 27, 2022.

Matapos ang masusing pagusuri, na isa sa mga ebidensiya ay ang kuha ng CCTV sa lugar kungsaan kinuha ang pera ng vendor sa wallet nito at hinampas pa sa ulo, nagpasya ang Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) na irekomenda ang pagsibak sa tungkulin sa mga nasabing pulis dahil hindi karapat-dapat ang mga ito sa tiwala ng mga mamamayang, na dapat sana nilang pinagsisilbihan at pinangangalagaan.



Giit ng NCRPO, walang puwang ang mga “scalawag” sa pulisya, at hindi kailanman kukunsintihin ang pag-abuso sa kapangyarihan.

Tiniyak din ng NCRPO sa publiko na ang kanilang mga ulat laban sa mga umaabusong pulis ay pinakikinggan, inaaksyunan at iniimbestigahang maigi.