Advertisers

Advertisers

PNP hierarchy, inutil… URDANETA CITY GAMBLING CAPITAL NG PANGASINAN

0 297

Advertisers

Nakakagulat ang ulat na natanggap ng inyong lingkod mula sa mga mismong mamamayan ng Urdaneta City, d’yan sa lalawigan ng Pangasinan.

Talamak na po umano ang mga naglipanang iligal na sugalan sa nasabing siyudad na ang nakaupong alkalde ay si Honorable Julio “Rammy” Parayno III.

Sa kabila nang nararanasang kahirapan, parang mga kabuteng nagsulputan ang iba’t ibang uri ng iligal na sugal sa kanilang siyudad ayon sa reklamo ng ilang misis na ang kanilang mga mister ay talamak nang nalululong sa opisyo na pagsusugal.



Nagkalat na umano sa Uradaneta City ang mga peryang may sugal at online sabong na hindi lamang pinag-uugatan ng madalas na away ng mga mag-asawa kundi gulo na rin dahil sa hindi pagkakaintindihan sa mga nagkalat na mga pasugalang ito sa nasabing lungsod.

Ang nakakapagtaka, inutil na naturingan ang nakaupong city director ng Urdaneta PNP na si Police Lt. Col.Benson Pimentel.

Hindi natin maarok kung kanino nga ba namamalahibo itong si Col. Pimentel para di nito matupad ang kanyang sagradong tungkuling hulihin ang mga iligalistang dumarayo pa sa Urdaneta City para isulong at payabungin ang kanilang negosyo na iligal na sugal.

Kay Mayor Rammy Parayno nga ba o kay PNP Regional Director, Gen. Belli Tamayo.

Ang siste base sa ating sariling imbestigasyon, P30 mil na tumataginting ang lingguhang kinukolekta umano ng Intel Division ng PNP Regional Office 1 o R2 mula sa mga operators na ito ng online sabong, peryang may sugal at iba pang uri ng sugal-lupa.



Pati ang tanggapan ni Pangasinan Police Provincial Director Col. Jeff Fanged ay sinasagasaan na rin umano ng mga opisyal ng PNP Region 1.

Kung baga, bastusang nang masasabi pagdating sa illegal gambling operations.

Wala nang respetuhan.

Ang hindi natin malaman ay kung may “gap” nga ba itong si Col. Fanged sa kanyang regional director na si BGen.Tamayo o hindi lamang “feel” ni Gen. Belli Tamayo itong si Fanged.

Akala ko ba ay may morale recovery program na ipinagmamalaki itong si PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. para sa 227,000 strong PNP personnels para maibalik ang malinis na imahe ng kapulisan sa buong bansa?

Bakit buwaya pa rin at ubod ng takaw sa payola ang kanyang mga pulis sa Northern Luzon?

Bago hiranging PNP chief ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. itong si Azurin, galing ito dyan sa PNP Region 1 command.

Ito ba ang kultura at legasiyang iniwan nito sa kanyang dating pinamunuang rehiyon?

Ang manatiling masiba at patay-gutom sa intelihensiya mula sa mga iligalista at pasimuno ng kailigalan?

Nasaan na ang pamosong ‘NO TAKE POLICY’ ng PNP at ni Gen. Azurin?

Mistulang basahan lamang itong tinatapak-tapakan ng kanyang mga opisyal at tauhan.

Parang mga asong gutum-na gutom sa kapirasong karne at buto mula sa mga gambling operators ang kanyang mga opisyales sa PNP Region 1 at sa mismong Pangasinan PNP.

Palamunin at patabaing baboy ng mga kilalang gambling lords ng Norte.

Hindi ba nahihiya si Gen. Azurin sa Pangulong Bongbong Marcos na nagluklok sa kanya sa pinakamataas na puwesto dyan sa Kampo Crame?

Simpleng isyu sa illegal gambling, hindi nito kayang pasunurin ang kanyang mga opisyal at tauhan.

Hindi lamang sa Pangasinan at sa Region 1 talamak ang illegal gambling kundi sa mismong NCR, Luzon, Visayas at marahil mas grabe sa Mindanao.

Speaking of pagiging ‘MALATUBA’ at lelembot-lembot, hindi lamang pala aksyon at galaw ni Gen. Azurin ang kumekendeng, pati rin pala ang leadership style nito na reactionary lamang at laging atrasado.

Masanay na ba ang tao Gen. Azurin na kapag sinabi mong walang sugal, it’s the entire opposite?

Pagsinabi mong “PNP is on top of the situation”, people should expect the opposite?

Going back sa talamak na illegal gambling operations sa Urdaneta City at sa buong Pangasinan at Region1,ano nga ba ang maaasahan ng tao mula sa PNP hierarchy?

Masanay nasa ganito ka-malatubang sistema at pagiging inutil ng kapulisan?

Kung dito sa Metro Manila na ‘seat of power’ ng pamahalaan ay open ang mga iligal na sugalan, how much more sa malalayo nating probinsiya?

Is that the kind of leadership Gen.Azurin is bragging of.

Walang kabuhay-buhay.

Sa lengguwahe nga ni Sen. Bato dela Rosa, ‘walang kaasim-asim.

In short, BAKLANG-BAKLANG naturingan.

May kasunod…

Abangan.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com