Advertisers
Hindi magkanda-kumahog ngayon ang mga OIC na itinalaga sa Philippine Ports Authority (PPA) ni DOTR Sec. Jimmy Bautista sa pagagawa ng mga white papers at pinalalabas na galing ito sa mga empleyado ng PPA.
Sa totoo lang, sila mismo ang may akda ng mga nasabing white papers para lamang ma-delay ang mga permanent appointment sa nasabing ahensiya ng gobyerno.
Kalikaliwa ang ginagawang paninira ng ilang OIC, huwag lamang silang maalis sa kanilang sinasandalang puwesto.
Partikular ng target ng mga kumag ang sirain ang pangalan ni PPA GM Jay Santiago.
Ang mga hinayupak, gumawa ng kung anu-anong kasinungalingan laban kay Santiago.
Hindi naman mga marunong mag-isip itong mga kapit-tuko na ito sa puwesto na walang silbi ang kanilang mga ginagawang paninira.
Katunayan sa mismong mga press release na ipinalabas ng DOTR na nag-aanunsyo ng pangalan ni PPA Assistant General Manager Francisquel Mancile bilang OIC lumabas na hindi napigilan ang pagpuri kay GM Jay Santiago.
Sinabi mismo ng DOTR na ang PPA na pinamunuan ni GM Jay Santiago, walang naging kaparis sa mga aspeto ng project completion, revenue generation, modernization at digitalization partikular ang online payment at permitting system.
Anim na taong pinamunuan ni Santiago ang PPA sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mula 2016 hanggang 2022.
Sa pamumuno ni Santiago bilang PPA general manager, nakapagtala ang state port authority ng pinakamataas na kita at dibidendo sa 48-taong kasaysayan nito, na sumasaklaw sa mga kita at dibidendo na ipinadala sa National Treasury para sa lahat ng taon pagkatapos ng 1986.
Nagawang pamahalaan at pahusayin ni Santiago ang mga port efficiency at utilization at naiwasan ang mga pagsisikip lalo na sa panahon ng pandemya ng COVID-19 noong unang bahagi ng 2020.
Tiniyak din ni Santiago ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga pasahero sa pantalan, na mahihirap ang karamihan sa mga ito.
Samantalang si PPA Assistant General Manager Francisquel Mancile, na bilang OIC at kauna-unahang appointee ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na naging paksa ng Ombudsman case.
Nadawit ang pangalan ni Mancile sa tinatawag na “abuloy” scandal, kung saan isang PPA memo ang nangalap ng tulong para sa mga miyembro ng pamilya ni Mancile.
Bago naging PPA Assistant General Manager si Mancile, naging Port Manager ito sa Lucena, Quezon. Doon siya nadestino mula sa mas malaking Port of Manila, para maimbestigahan siya kaugnay ng ilang mga iregularidad na nangyari, kagaya ng foreclosure ng PPA properties ng pamahalaang lungsod ng Maynila; dahil sa hindi pagbabayad ng mga real property taxes na na kolekta ni Mancile sa mga tenants ng PPA. At bukod pa dito ang paglipana ng mga iligal na operasyon ng unauthorized port service providers sa Port of Manila.
Siguro naman pwede nang bumitiw ang mga kapit-tuko sa puwesto sa PPA?