Advertisers

Advertisers

Madugong giyera sa droga, hindi solusyon sa problema

0 183

Advertisers

Patayan dito, patayan doon…iyan ang resulta ng operation “Tokhang” kontra ilegal na droga ng nakaraang Duterte administration. Hindi tayo tutol sa kampanya laban sa ilegal na droga. lamang ay may mga inosente na napatay sa pagpapatupad ng kampanya makaraang abusuhin ng mga pulis ang kautusan.

Isa sa inosenteng napatay ay ang menor-de-edad sa Caloocan City. Bagaman, nahatulan na ang mga pulis na sangkot..pero huli na ang lahat. Patay na ang biktima.

Hindi maipagkaila na talagang dumanak ang dugo sa war against illegal drugs ng nagdaang administrasyon kung saan ay naging usap-usapan sa iba’t ibang bansa hanggang sa makarating pa ito sa international court. Patuloy pa ngang iniimbestigashan ang isyu.



Pero kung naging madugo ang nagdaang kampanya, taliwas naman ngayon ito sa kasalukuyang administrasyon. Kung baga, ipatutupad at paiigtingin pa rin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ng giyera laban sa droga pero hindi na dadanak ang dugo. In short, magiging kakaiba ang estilo ng Pangulo sa pagsugpo ng droga.

Isa sa ipinangko ni BBM nang maupong Pangulo ng bansa ay ipagpapatuloy niya ang nasimulan kampanya ni dating Pangulong Duterte laban sa droga.

Tulad ng ipinangako ni BBM na hindi dadanak ang dugo, ito ay kanyang pinatunayan sa pagkakumpiska kamakailan ng P6.7 billion halaga ng shabu sa Maynila. Sa operasyon ay walang napatay, walang nasugatan. Pwede naman pala…at puwede naman talaga.

Ang operasyon ang isa sa pinakamalaking huli ng kapulisan na umaabot sa halos tonelada ng shabu na nakuha sa isang high value target.

Sa pagkakaroon ng bagong mukha ng giyera ng pulisya laban sa drogo maganda ang naging resulta nito sa isinagawang operasyon sa Sta. Cruz, Maynila – nadiskubre ang mga dokumentong nag-uugnay kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo, Jr. sa kalakalan ng iligal na droga.Ang masaklap nito, si Mayo ay Isang intelligence officer ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG).



Natuklasan may legal na negosyo si Mayo, isang lending business – Wealth and Personal Development Lending Inc., sa Sta. Cruz, Maynila. Iniimbestigahan kung ang negosyo ay isang legal front lamang ni Mayo sa pagbebenta ng droga. Posible kayang recycled ang shabu na nakumpiska kay Mayo? Iyan din ang inaalam.

Ang punto dito, walang dugong dumanak sa operasyon – buhay ang mga nahuling suspek. Isang patunay ulit sa BBM addmin na walang daddanak na dugo sa giyera laban sa droga hindi lamang sa Maynila kung hindi maging sa buong bansa.

Seryoso si BBM sa kompnya laban sa droga para sa kaligtasan ng maraming kabataan. Hindi naman lingid a kaalaman natin na maraming kabataan ang nalululon sa droga kung saan ito ngayon ang target ni BBM – ang iligtas sila.

Tulad ng naunang nabanggit, noog nakaraang administrasyon, dumanak ang dugo sa kampanya laban sa droga – may mga napatay na mayor, gobernador, at marami pang bumulagta habang sangkaterba din ang nakulong…at ang nakalulungkot nga, maraming inosente ang napatay.

Ang lahat ay binago ni PBBM, hinangad ng Pangulo na mas mainam na mahuli ng buhay ng mga sangkot sa droga. Ginanga ni BBM na mahuli ng buhay ang mga suspek para malaman at patugain ang mga ito kung saan nanggagaling ang mga bulto-bultong shabu at marijuana. Sino ang mga nasa likod ng nagpaparating at kung sino ang mga nakikinabang.

Tama ang estilo ni BBM – ang mahuli ng buhay ang mga suspek dahil kung paagpapatayin nga naman ang mga ito, paano sila kakanta? Paano malalaman kung mayroong mga lingkod-bayan na nasa likod nito o gumagamit ng droga?

Sa mas maging epektibo ang giyera ni BBM laban sa droga, kanyang pinalakas ang PNP- Drug Related Data Integration Generation System (DRDIGS) sa pangunguna ng Directorate for Operations, nagsilbing digital library ng lahat ng impormasyon sa buong bansa tungkol sa kampanya kontra droga at kapag fully operational na, magpapahintulot ng mas epektibong real-time management ng mga operasyon.

Isinaman na rin sa database ang pag-monitor ng rehabilitasyon ng mga drug users bilang bahagi ng demand-reduction stra­tegy, na kasabay ng supply-reduction stra­tegy ng paghahabol sa mga sindikato ng droga.

Ano pa man, inamin naman ni BBM na hindi mapipigil ng digmaan sa droga sa kanyang administrasyon kaya higit nitong pinagtuunan ang pag-iwas at rehabilitasyon kaysa sa pagpapatupad ng batas. Bukod dito, iniiwasan talaga ni BBM na mangyari ang mga kaganapan na patayan bunsod ng kampanya sa droga noong nakaraang administrasyon kung saan karamihan sa napatay ay mahihirap habang ang mga bigtime ay nababasura lamang ang kanilang kaso at maglalaho na parang bula.

Sa malinis na kampanya ni BBM laban sa droga, isa sa kanyang punto ay linisin ang mga naging batikos ng bansa sa mga alegasyon ng mga paglabag sa karapatang pantao at extra-judicial killings, May ilang libo din ang napatay na tulak at user ng droga sa mga isinagawang operasyon ng pulisya noon, kabilang dito ang 150 pulis ang kinasuhan o nahaharap sa mga kasong kriminal para sa mga kasong may kinalaman sa drug war.

Sa ipinamamalas na kampanya ni BBM, sinisikap ng Pangulo na sa malinis na kampanya ay matuturuan makaiwas sa droga ang mga naging biktima nito at tinutulungan din silang magsimula muli ng magandang buhay upang makapag-ambag ng kabutihan sa bansa. Hindi tulad ng nakaraang na ang sagot sa giyera sa droga ay patayan kung saan ay hindi na nabigyan ng pagkakataon makapagbagong buhay ang mga sangkot…bukod sa maraming inosente ang nadamay na kabilang sa isang kahig, isang tuka.