Advertisers

Advertisers

BEERMEN, MAGHAHABOL SA SISTEMA NI COACH LEO

0 154

Advertisers

NAKAPOKUS nga ba ang sistema ni Coach LEO AUSTRIA ng 2022 PBA Philippine Cup Champion SAN MIGUEL BEERMEN kay top big man, 6’10” JUNEMAR FAJARDO?

Namimiligro ang lagay ng BEERMEN sa starting 1-3 win loss kartada na hindi naisalba ng bagong import na si DAVON SCOTT, although malaki ang potential. Kahit umpisa pa lang halos, kabado ang fans dahil tougher teams ang sasagupain ng tropang-mag-aalak sa next games ng elimination round. Injured pa rin si JUNEMAR kaya obvious angpagra-rattle ng team na punuan ang kulang. Si MOALA TAUTUA angkapalitan ni FAJARDO pero puna ng observers, magaling man sa defense,bawas ang kickout passes kaya di masyadong gumagana ang Beermenguards, dehado sa puntos especially sa three points.

Mapaaga kaya ang balik ng injured din namang si TERRENCE ROMEO? Aabot naman ba si JUNEMAR para sagipin ang koponan otagilid na talaga? Hirap ang koponan dahil nakaporma na ang sistema ni Coach LEO sa presence ni JUNEMAR na maagang nagtala ng 7 Best Playerof the Conference (BPC) titles at four (4) straight Finals Most Valuable Player (MVP) plum.



As such, hindi surprising kung nakapokus kay FAJARDO ang sistema ni coach LEO sa subok na husay ng 32 y/o SMB giant but then, kung hindi kayang bumalik agad dahil hindi pa okay ang injury, (needs surgery on laryngeal fracture, might as well, December pa pwede), may iba pa kayang paraan para mapiga ang skills ng champion team? After all, champion team nga, di po ba? Let’s wait and see kung madedepensahan ang trono ng 2022 PBA Philippine Cup Champion SMB.

PAUL ARTADI,PANG-SPORTS TALAGA
SA lahat ng basketball fans na nasubaybayan angbasketball career ni former UE WARRIORS standout PAULARTADI, contemporary, schoolmate, teammate at long-time buddy ni JAMESYAP hanggang PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE at PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION/PUREFOODS, tuloy po ang kanyang karera bilang isang cager-politician, 3-termer councilor sa SAN JUAN CITY.
Very useful ang athlete skill ni Konsi PAUL sa sports activities with SJ youth. Well, nasa ‘PINOY LIGA CUP’ siya recently kasama ang isa pang contemporary, si RONALD TUBID na feeling namin, fits in the same shoes with newly elected Konsi JAMES YAP, DON ALLADOand ERVIC VIJANDRE led by ex-LA SALLE starcager FRANCIS ZAMORA in mayoral post, all pang-sports. Kudos, Guys!

OCTOBER CHEERS
MANY HAPPY RETURNS OF THE DAY to DAN ROSSETTI SANTOS,to entertainer/artist MARITONI WIESE aka BONA, and ASAKA ROSELOGDAT. May you have the best blessings. HAPPY READING!