Advertisers

Advertisers

Arcilla, Joven umusad sa PCA Open men’s doubles

0 324

Advertisers

INUKIT nina defending champion Johnny Arcilla at Ronard Joven ang 6-2,6-0, wagi kontra Alex at Jules Lazaro Martes upang marating ang third round ng men’s doubles competition nang 39th Philippine Columbian Association (PCA) Open Tennis Championship sa PCA indoor shell court sa Plaza Dilao, Paco Manila.

Susunod na makakatagpo nina Arcilla at Joven ay ang qualifiers Jude Padao at Harvey Gilbuena, na nagtala ng 6-2,6-4 wagi laban sa tandem nina Jackey Mirabueno at Vince Serino.

Second seeds Leander Lazaro at Fritz Verdad, No. 8 seeds Jose Antonio Tria at Bryan Saarenas, at ang unseeded pair nina Edilberto Anasta at Jeson Patrombon ay umusad na rin sa next round.



Dinispatsa nina Lazaro at Verdad sina Jose Bernardo at Mateo Victor Rivas, 6-2,6-0, para umabante kontra John Renest Sonsona at Jordan Cimafranca, na nag walked laban kina Sebastian Santos at Symon Jaculan.

Tria at Saarenas ay pinatalsik sina Abdulquohar Allian at Argil Lance Canizares, 6-3, 6-2, para ipuwersa ang third round showdown kina qualifiers Richard Bautista at John Steven Sansona, na tumalo kina Jeleardo Amazona at Christian Fel Lopez, 6-4,6-3.

Habang sina Anasta at Patrombon ay kinaldag sina Marc at Wilmer Sabas,6-0,6-1, para umabante kontra John Tomacruz at Franklin Encarnacio, 6-0,6-4,na nagwagi vs Matthew Crisosto at Maraphael Teng.

Si Anasta ay may 5 double title sa Palawan Pawnshop Men’s Open ngayon taon, kabilang ang 4 kay Patrombon. Ang kanyang iba pang title victory ay galing kina John Altiche sa Tagum, Davao del Norte.

Ang men’s singles champion ay tatanggap ng PH 200,000 habang ang mananalo sa women’s singles ay makakakuha ng PHP 100.000. Ang premyo sa doubles ay PHP 70.000 (men’s) at PHP 35,000 (women’s)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">