Advertisers

Advertisers

Tropang Giga namuhunan sa depensa para mamayani kontra Bossing

0 120

Advertisers

ITINULAK ng TNT ang kanilang malawak na istratehiya sa depensiba para puwersahin ang Blackwater sa season-high 31 turnovers para malinis na bagtasin ang 108-98 win Sabado sa PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena.

Nanalasa ang Tropang Giga sa natilag na opensiba ng Bossing, na nagresulta ng kalmanteng 34 points at naghatid sa TNT ng swabeng deal sa rebounding buhat sa kanilang 101-110 pagkatalo aa NLEX dalawang gabi ang nakalipas at makausad na makasosyo sa ikatlo sa kartang 3-2 overall.

Ang error ng Blackwater ang pinakamatindi na mula 2018 Commissioner’s Cup nang ang prangkisa ay may 33 sa 98-126 blowout loss sa Columbian Dyip.



Pumutok si import Cam Oliver ng 38 points kasama ang pagkalawit ng 10 rebounds nagpasabog si Mikey Williams ng 28 na tinusukan ng anim na triples para sa TNT. Ang tambalan ay may pinagsamang 33 sa second half para sindihan ang pagbalikwas ng Tropang Giga sa malaking kaungusan na umabot hanggang 15, 104-89.

“After our last game (loss to NLEX), all we really talked about was our defense. We scored 101 points against NLEX but had we been able to keep them to this number – 98 – we would have had a chance to win that game as well,” sambit ni TNT coach Chot Reyes.

“So we really intentionally put a lot of emphasis on defense and our ability to come out and pressure,” aniya pa.

Kumaldag si RR Pogoy at Calvin Oftana ng tig-11 kung saan ang TNT ay lumebel kasama ang NLEX at Converge sa No. 3 sa likod ng lider Magnolia, 5-0 at Bay Area’s second-best 6-1.

Nagbigay si Cameron Krutwig ng 25 habang sina Baser Amer at Rey Suerte ay tumira ng 16 at 15, ayon sa pagkakasunod para pinahan ang Blackwater, na dapa sa 3-4 karta.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">