Advertisers

Advertisers

Sunshine natawa nang akusahang may relasyon kay Rayver

0 200

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISANG netizen ang nagkomento sa pinost na picture ni Sunshine Cruz sa kanyang Instagram account, na magkasama sila ng pinsan niyang si Rayver Cruz, na nakaakbay ito sa kanya.
Ang inilagay na caption dito ni Sunshine ay, “A photo taken when the Cruz cousins guested for your birthday prod on @alloutsundays7. I remember asking you na I wanted sana a photo with @myjaps.
“Know that your Ate Shine loves you and I am very happy for you! I’m sure Tita Beth is smiling in heaven now. You deserve everything you have now dahil napakabait mong tao. Happy Birthday @rayvercruz! Love you Ray,” sabi pa niya.
Inakala ng netizen na may relasyon sina Shine at Rayver kaya sa ipinost niyang comment sa Instagram pictures, ay tila nagalit pa ito sa dalawa.
Hindi siguro nito binasa ang caption sa picture ni Sunshine.
At wala siguro itong kaalam-alam na magpinsang buo sina Sunshine at Rayver. Ang namayapang mommy Beth ni Rayver ay kapatid ng daddy Danny ni Sunshine..
Sabi ng netizen ay inagaw ni Rayver si Sunshine mula sa kanyang idolo na si Cesar Montano.
Si Cesar ay dating asawa ni Sunshine.
Agad namang sinagot ng flawless na aktres ang netizen.
“Pinsan ko po si Rayver. Hahaha. (laughing in tears emoji).”
***
ANG cute na cute at talented na si Kate Hillary Tamani ang magiging pambato ng Pilipinas sa Little Miss Universe 2022 na gaganapin sa Dubai United arab Emirates on Oct.25 to 30 2022.
Si Kate ang panganay na anak nina Dr. Romeo Tamani II at Mrs. Lenelyn Tamani. Siya ay 8 years old, grade 3 student sa St. Rose of Lima sa Manila Cathedral School.
Puspusan ang training na ginagawa ngayon ni Kate sa tulong ng kanyang very supportive dad, para makatiyak na maiuuwi niya ang korona.
Sa competition ay may talent portion at handang-handa na si Kate na ipakita ang talent niya sa pagsasayaw. Ayon sa kanya, masaya siya kapag nagsasayaw gaya raw sa mga TikTok na sayaw na nauso.
Sa tanong kung sino ang kanyang paboritong Filipina beauty queen na ina-idolize talaga niya, ang sagot niya ay si Catriona Gray.
“Kasi po sobrang galing po niyang maglakad, ang ganda-ganda po niya, pati ‘yung mga gown niya ang gaganda po,” sabi ni Kate tungkol kay Catriona.
Kahanga-hanga si Kate dahil sa murang edad niyang walo ay ang dami niya ng awards na natanggap, huh!
Ang mga ito ay ang mga sumusunod: 2nd Runner Up Philippine Kids Supermodel 2019 held at Star Theater, First Baby Dior model in the Philippines who strut the Runway in Beijing China last December 2019, First Runner up Sta.cruzan At I mall Antipolo last May 2022, Grandwinner in Best top model Philippines cycle 9 last May 7 2022, Grandwinner in Mikay Kikay Collections cycle 4 last may 29, 2022, Young International Pageant Queen 2022 at Philippine fashion summit last June 25 2022 , International Mini Miss of year 2022 at Bangkok, Thailand last June 7 to 12 2022:Best in Introduction, Best in Smile, Best in Social Media Award, Gintong Parangal Awardee 2022, Most Promising young Beauty Queen and International model of the year, Gawad Pilipino Iconic Award 2022, Multi Talented and World class Young Beauty Queen of the Year at PTM crown Ambassador 2022.