Advertisers
NASAWI ang isang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang mauwi sa engkwentro ang ikinasang drug buy bust operation sa Pampanga.
Naisugod pa sa ospital ang PDEA agent na hindi pinangalanan pero idineklarang dead on arrival, habang dead on the spot naman ang suspek na si Buna Angnie alyas “Noim Daracab” sa engkuwentro sa mga tauhan ng PDEA.
Isinagawa ang anti-drug operation 8:30 ng gabi, Oktubre 21, 2022, sa Barangay San Francisco, Mabalacat City, Pampanga.
Target ng operating unit ng PDEA Pampanga ang drug personality na si Angnie.
Sa operasyon, nakuha kay Angnie ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 50 gramo na nagkakahalaga ng P340,000 at isang kalibre .45 pistola.
Nang makatunog si Angnie na PDEA agent ang ka-transaksyon ay pinaputukan niya ang mga tauhan ng PDEA Region-3 at ng Pampanga Police Office, dahilan para magkaputukan.