Advertisers

Advertisers

Pari kulong sa rape ng 16-anyos

0 479

Advertisers

DIAKIP ang isang pari nang ireklamo ng menor-de-edad sa makailang ulit umanong panggagahasa sa kanya sa bayan ng Solana, Cagayan.

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inirereklamong pari na kinilalang si Rev. Fr. Kawrole Reward Israel, assistant parish priest ng St. Vincent Ferrer sa Solana at residente ng Barangay Tucalana, Lal-lo, Cagayan.

Sa ulat, nahaharap si Fr. Israel sa patung-patong na kasong kriminal kasunod ng sumbong ng 16-anyos na dalagita na itinago sa pangalang Jenny, residente rin sa nasabing bayan.



Ayon sa salaysay ni Jenny sa tanggapan ng NBI, una siyang pinagsamantalahan ni Fr. Israel noong Pebrero 2022 nang dalhin sa isang hotel na labag sa kanyang kalooban.

Ang pang-aabuso umano sa dalagita na nagsisilbing isang youth minister sa nasabing parokya ay naulit ng maraming beses sa hotel, sa loob ng sasakyan at maging sa kumbento, hanggang nitong Oktubre 15, 2022.

Ayon pa sa ulat ng NBI, natakot magsumbong ang biktima sa mga magulang at kinauukulan nang pagbantaan siyang ng pari na ipapakalat ang kanilang video na palihim na kinunan nito.

Dahil dito, dumating narin umano sa pagkakataon na tinangka ng biktima na magpakamatay hanggang sa ipagtapat ang kanyang sinapit sa kanyang guro at pati narin sa mga magulang kung kaya’t lumapit na sila sa NBI.

Nitong Martes, Oktubre 18 ng gabi, nadakip sa akto ang pari nang muling tawagan ang biktima na magkita sila kasabay ng pananakot na kung hindi papayay ilalabas ang kanilang video kungsaan hubad umano ang biktima.



Lingid sa kaalaman ng pari, sinundan siya ng mga ahente ng NBI nang isakay niya ang dalagita sa kanyang kotse.

Tuluyan nang dinakip ng NBI ang pari nang iparada ang kanyang sasakyan sa isang madilim na lugar sa Brgy. Iriga para sana muli nitong pagsamantalan ang dalagita.

Nahaharap ang pari sa mga pag­labag sa R.A. 7877, Anti Se­xual Harassment Act, R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children Act, R.A. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act, at R.A. 7610 o Child Abuse.