Advertisers
MASUWERTENG napanalunan ng nag-iisang mananaya sa Grand Lotto 6/55 draw ang nasa Php35.4 milyon na halaga ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Tinamaan ng nasabing bettor ang panalong kumbinasyon sa 6/55 na 44-50-07-52-46-36.
Habang limang mga mananaya naman ang nanalo ng second prize na nagkakahalaga sa Php100,000, at nasa 239 bettors naman ang nakasungkit ng sa third prize na may katumbas na halaga na Php 1,500.
Kung matatandaan, una rito ay napanalunan naman ng nasa 433 na mga mananaya ang 6/55 Grand Lotto draw noong Oktubre 1, 2022 na nagdulot naman ng samu’t saring reaksyon at opinyon mula sa taumbayan kung saan ang ilan pa ay nagkaroon ng pagdududa sa naging resulta nito.