Advertisers

Advertisers

National ID pansamantalang iimprenta sa papel – PSA

0 245

Advertisers

INIHAYAG ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maglalabas muna sila ng National ID na nakaimprenta sa papel.

Ito ay dahil sa patuloy na nagkukulang ang ibinibigay na plastic version ng mga Philippine Identification System o PhilSys card.

Ipinabatid naman ni Dennis Mapa, PSA head, ang paper ID ay ang digital version ng National ID, na iprinint sa papel.



Kaugnay nito, tiniyak ni Mapa na lahat ay magkakaroon ng plastic card na National ID kahit kumuha na ng paper version nito.

Maaari aniyang makakuha ng paper version ng National ID sa mga PhilSys registration center nationwide.