Advertisers

Advertisers

Mga kandidato sa Cosmo Manila 2022, kabugan sa pagrampa

0 317

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGKABUGAN sa pagrampa ang mga kandidato sa Cosmo Manila 2022 kung saan buong ningning na pumarada in their most revealing outfits ang mga kalahok sa patimpalak sa mediacon na idinaos noong Oktubre 23, Linggo sa Le Reve Events Place sa Quezon City.
Ang Cosmo Manila 2022 ay iprinodyus ni Marc Cubales, na siya ring producer ng forthcoming film ni Direk Jay Altarejos na Finding Daddy Blake.
Ayon kay Marc, kumpara sa ibang patimpalak, ang Cosmo Manila ay isang pageant with a cause.
Layunin daw niyang ibalik ang ningning ng pageants na ipinagkait ng pandemya.
Dagdag pa niya, gusto raw niyang makatulong at magbigay ng kasiyahan sa mga agent at models ng nasabing sexy pageant show.
Nasa misyon din daw nila ang makapagpalaganap ng healthy lifestyle at makapagbigay ng inspirasyon sa lahat sa pamamagitan ng kanilang fit and fab contestants na sumailalim sa matinding paghahanda.
Bongga rin ang prizes at stake sa kanilang pakontes kung saan ang tatanghaling Cosmo Manila King at Cosmo Manila Queen ay parehong tatanggap ng cash prize na P100,000.
Ang first runners-up naman sa male at female categories ay magkakamit ng P40,000 cash prize each, tig-P30,000 each para sa 2nd runners up,P20,000 each sa third runners up at tig-P15,000 para sa fourth runners up.
Ayon naman sa casting director na si Leklek Tumalad, malinis ang proseso ng kumpetisyon dahil dumaan ang lahat sa masusing screening. Isa rin daw itong pa-tribute sa mga kasamahan sa bikinilandia sa mga pumanaw na sa panahon ng pandemya.
Ang male candidates sa Cosmo Manila 2022 ay kinabibilangan nina Paul Jiggs Venturero, Hawkins Madrid, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hans Vergara,
Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Yael del Rosario, RJ Absalud, Allen Ong Molina,at Chad Solano.
Ang female candidates naman na kasali sa Cosmo Manila 2022 ay sina Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar, Morena Carlos, at Deberly Bangcore.
Ang coronation night ng Cosmo Manila King and Queen 2022 ay gaganapin sa SM North EDSA Skydome sa Nobyembre 5.
Iprinodyus ng MC Production House ni Marc Cubales, kasama sa production team sina Edz Galindez bilang supervising producer at Bembem Espanto bilang director.
Ang tickets sa Cosmo Manila King and Queen 2022 ay mabibili na sa SM Tickets.
Para sa karagdagang detalye, tumawag o mag-text sa 09667088434 o 09602533903.