Advertisers

Advertisers

Mariel imbiyerna sa nagsabing iiwan din ni Binoe

0 154

Advertisers

Ni BETH GELENA

IMBIYERNA si Mariel Padilla sa mga nagsabing iiwan din siya agad ni Robin Padilla.
Sa vlog ni Mariel ay naibahagi niya ang tungkol sa love story nila ng mister na si Senador Robin.
Sa vlog, isa-isang sinagot ni Mariel ang mga Google search tungkol sa kanya. Ani Mariel, may mga taong nagsabing dalawang taon lang ay iiwan din siya kaagad ni Robin.
Sey ni Mariel sa mga negang tao na nagsabi nito sa kanya: “Happy ba kayo?”
Kwento ng TV host, nagsimula lang sa asaran ang love story nila ni Robin.
Isa-isang sinagot ni Mariel ang mga Google search tungkol sa kanya kabilang na ang love story nila ni Robin.
Sa ngayon ay mahigit 12 taon na ang pagsasama ng mag-asawa at ayon kay Mariel nananatili silang matatag.
Sambit pa ng celebrity mom marami ang nagsabing whirlwind romance raw ang kwento nila ni Robin at dalawang taon lang daw ay iiwan din siya nito
Biniro pa niya ang mga netizen kung masaya ang mga ito.
Kinasal sina Mariel at Robin noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.
Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee na regular na co-host si Mariel ni Willie Revillame.
Biniyayaan ng dalawang anak na babae ang celebrity couple — Isabella at Gabriela.
***
DAHLIA AT THYLANE NA-MEET SINA MICKEY AT MINNIE SA JAPAN
Sabay na pinasyal nina Anne Curtis at Solenn Heussaff ang mga anak nila na sina Dahlia at Thylane sa Disneyland sa Japan.
Na-meet ng dalawang bagets sina Mickey at Minnie Mouse
Sa kani-kanilang IG ay makikita ang happy bonding ng dalawang pamilya with their husbands Erwan Heussaff at Nico Bolzico.
“It truly is one of the happiest places on earth! First family trip to Disneyland… a whole different experience now that I’m the parent. Iba ‘yung happiness seeing her so excited,” sey ni Anne.
Sabi naman ni Solenn, “Lots of love and living in the moment.”
Ang next adventure naman daw nila ayon kay Anne ay ang hantingin ang
Disney princesses.
Sabi nga ni Anne noon daw ay siya ang pinapasyal ng parents niya, ngayon siya naman ang nagpapasyal sa anak na si Dahlia.