Advertisers

Advertisers

BATANG BIBO MAGDROWING(BBM)

0 189

Advertisers

NAGKAROON ng pagkakataon ang korner na ito upang maisakatuparan ang adbokasiya partikular sa mga kabalwarteng kabataan sa La Paz,Tarlac.

Sa suporta ng mga mabubuting kaibigan sa larangang ating ginagalawan ay naturuan ko ng libre ang mga bata ng basic arts upang maging gabay ng mga may potensyal na artist para sa kanilang pag-aaral,ambisyon at livelihood.

Marami sa mga batang Tarlacquenos ang may natural na talento sa sining na kailangan lang magabayan ng tamang techniques sa arts,commercial arts man o visual arts.



Natuwa ang mga bata sa kanilang bagong natutunan sa paghawak ng pinsel,pag-mix ng tamang kulay ,pag- gamit ng paleta,kung paano magtatak ng t-shirt atbp.

Kaya naman ibang klaseng kagalakan ang aking nadama sa maituturing kong tagumpay ngayon pa lang at nais ko itong maging adbokasiya nationwide.

Tampok sa event na tinagurian kong BBM o Batang Bibo Maglaro dahil sa koneksyon sa Sports at Batang Bibo Magdrowing sa larangan ng sining.

Subject sa isinagawa naming free clinic ay ang MURAL LESSON na pagpipinta sa wall ng isang relevant subject tulad ng sports ang arts for all . Abangan ang susunod na edisyon… Promise!

Lowcut : Shoutout po sa inyong lahat sa POC kay Mayòr Bambol Tolentino,PSC chair Noli Eala, E.D.Atty. Guillermo Iroy ,Dave Carter ng PJF,Alex Wang ng Wang’s Basketball, Ting Ledesma ,Bos Wopsy Zamora,Bobby Rondez,Bos Otep Ronquillo,Ray Alao,Rocky Chan,Cong.Eric Buhain ,Winchell Campos,Erick Kirong,Solomon Padiz ng chinlone sport,Alvin Aguilar at Maybelline Masuda ng URCC,jiujitsu at WAP at sa lahat ng sumuporta in their humble way. Mabuhay kayo!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">