Advertisers

Advertisers

Angeline dinedma ng bashers nang rumampa sa Times Square na nakapantulog

0 225

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAGBIGAY na nga ng pahayag si Sen. Jinggoy Estrada hinggil sa nabitawan nitong salita na i-ban ang mga foreign series.
Ayon sa mambabatas na kaya lang niya nasabi ‘yun sa mga palabas na banyaga na tinatangkilik ng masa ay out of frustration.
Kahit ang kapwa senador na si Robin Padilla ay nagtataka kung bakit nga ba maraming nababaliw sa K-Drama.
Nagtataka dahil guwapo naman daw siya at ilan pang Pinoy artists at mahusay pa umakting.
At kahit ilang beses siyang magsalamin ay guwapo nga itong ating mambabatas kumpara sa mga taga- South Korea.
At wala naman daw retoke sa pagmumukha ni Binoe.
Kahit daw suntuk-suntukin ang kanyang ilong ay pagmamalaki nito na ito ay original at never tatabingi.
Di pa din nga rin maialis sa isipan ng mister ni Mariel Padilla kung bakit baliw na baliw ang Pinoy sa K-Drama.
***
NASA Tate si Angeline Quinto para sa show sa NYC kasama ang buong team.
Sa post ni Angeline sa kanyang IG ay ibinahagi nito ang pagrampa niya sa Times Square sa New York City.
Pinagtitinginan si Angeline sa kanyang pagrampa sa open air na Times Square.
Wapakels naman ito kahit maraming tao na nakatuon ang mata sa kanya.
Eh paano naman daw siya pagtitinginan ay kakaiba kasing outfit ang suot nito na rumarampa sa Times Square.
Sari-saring reaksyon ang makikita sa face ng utaw.
Paano naman daw di mapapamulagat ang mata ng utaw sa Times Square ay rumampa ang singer actress na nakapantulog lang.
Bukod doon nakabalot pa ng tuwalya ang ulo ni Angeline habang may bitbit na unan na hila-hila nito ang kanyang maleta.
May mga naaliw at natuwa sa mga napa-react sa larawan na ibinahagi ni Angeline sa kanyang socmed.
Kaya may mga nam-bash na naman sa singer-actress na kesyo kung anu-ano na lang gimik para kumita ng pera.
Mas nakakabilib daw kung naka-two piece ito habang may dalang toothbrush at tabo.
Kakapalan mo talaga ang face mo para kumita ka talaga ayon pa sa komento ng mga nam-bash na netizens sa paandar ni Angeline na nakapantulog lang na rumampa sa Time Square.
Well, well, well…’Yun na!