Advertisers

Advertisers

Tsuper nabuwisit sa pasaherong nagbayad ng P500, sinuklian ng supot ng barya

0 229

Advertisers

VIRAL sa social media ang bangayan ng isang jeepney driver at pasaherong nagbabayad ng P500 para sa pamasahe na P12.00.

Mayroon nang 12 million views, 481K react at 49K comments ang Facebook post ni Liberato Jr. master, kung saan nagkasagutan ang tsuper at pasahero.

Ayon sa tsuper ng jeep, wala pa siyang panukli sa P500 ibinabayad ng kaniyang pasahero dahil unang ikot pa lamang niya.



“Wala kayong barya ate? Ang aga pa unang ikot ko (pa) lang eh,” sabi driver sa pasahero.

Giit ng pasahero, hindi na niya problema kung walang panukli ang driver dahil nagbabayad naman siya.

Napikon ang driver at tinangka suklian ng isang supot na barya ang pasahero para raw may barya na ito sa susunod na sumakay ng jeep.

Para matigil, bangayan, isang lalaking pasahero ang nagmagandang-loob, inilibre na ng pamasahe ang babaeng nagbayad ng P500.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">