Advertisers
PATONG-PATONG na kaso ang isinampa laban sa isang barangay kapitan sa iligal na pagbebenta ng anchestral domain sa Davao del Sur.
Ayon kay Ely Leano, spokesperson ng National Bureau of Investigation XI, naisampa sa Digos City Prosecutor’s Office ang kasong Estafa through falsification of Public documents, illegal possession of firearms, illegal possession of explosives, at ang paglabag sa Indigenous Peoples Rights Act (Republic Act No. 8371 of 1997) laban kay Brgy. Kapatagan, Digos, Davao del Sur Chairman Juanito “Wantoy” Morales.
Sa ulat, nadakip sa entrapment operation si Morales sa loob mismo ng Barangay Hall nang maaktuhan na pumirma ng dokumento sa alleged iligal na pagbebenta ng lupa sa anchestral domain.
Samantala, maliban kay Morales, nadakip din ang sampu pang may kinalaman sa nasabing transaksyon.