Advertisers
ARESTADO ng mga operatiba ng drug enforcement unit ng Galas Police Station ang dalawang runners ng iligal na droga sa Barangay Tatalon, Quezon city.
Ayon sa pulisya, ang modus ng dalawa ay sila ang tagabili ng droga o middleman sa user/pusher kungsaan pinagkakakitaan nila ito.
Kukunin nila ang pera mula sa user at babawasan nila ito, at pagdating sa user ay bawas narin ang ipinabiling droga.
Dito kumikita ng 300 to 400 pesos ang mga runner sa kada pabili sa kanila.
Ayon sa awtoridad, nakulong na noong 2019 ang dalawa sa kasong ‘theft’.
Dati umanong magnanakaw ng mga cellphone ang mga ito. Sa kanilang pagkakakulong nila nakikilala ang kanilang kontak sa pagbebenta ng droga.
Aabot sa P13,600 ang estimated street value ng droga na nakuha sa dalawa. Nakuha rin sa kanila ang buy-bust money at cellphone.
Nasa kustodiya na ng QCPD Station 11 ang mga “runner” na nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.