Advertisers
NASAWI ang isang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang mabangga ng van sa kahabaan ng Osmeña Highway, Malate, Maynila Lunes ng umaga (Oktubre 10).
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Rommel Delos Santos, 40, ng 1822 Dapitan Street, Sampaloc, Maynila
Sa imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement Unit, 10:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng southbound lane sa Osmeña Highway.
Lulan ng kanyang motorsiklo (QFS 101) ang enforcer nang mabangga ng isang aluminum van na may plakang WGG 227 na minamaneho ni Jarey Daniel Andyan, 32, nakatira sa Apitong Street, Saint Joseph Village, San Pedro, Laguna dahilan para sumemplang ang biktima.
Sa lakas ng impact, napasubsob sa kongretong semento ang enforcer na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.
Hawak na ng MTEU ang driver ng van para sa imbestigasyon.(Jocelyn Domenden)