Advertisers
PATAY ang isang dating barangay kapitan at kasalukuyang konsehal ng Barangay General Climaco sa lungsod ng Toledo nang pagbabarilin ito sa pistahan.
Sa ulat, pinagbabaril ng riding in tandem ang barangay kagawad na si Antonio “Anto” Canonigo, 52 anyos, nitong Oktubre 9 sa Barangay Bagakay ng nabanggit na lungsod.
Base sa imbestigasyon, lulan ng kanyang motorsiklo si Canonigo at tutungo sa bahay na dadaluhan ng pista nang pagbabarilin ng naka-bonnet na salarin na sakay ng isa pang motorsiklo.
Sinasabing nakaganti pa ng putok ang kasama ng biktima at natamaan sa paa ang salarin, ngunit nakatakas parin papalayo sa lugar.
Dead on arrival sa pagamutan si Canonigo na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod na bahagi ng katawan.
Narekober sa crime scene ang 10 basyo ng ng .45 caliber pistol.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.