Advertisers

Advertisers

Basketball player dinukot sa Pampanga

0 207

Advertisers

PATULOY na hinahanap at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga dumukot umano sa 26-anyos na basketball player sa Magalang, Pampanga.

Sa ulat, Oktubre 6 nang magpaalam sa pamilya ang biktimang si Arlan Laxamana na aalis upang ipaayos ang motorsiklo.

Mula noon, hindi na nakauwi si Laxamana.



Ayon sa ilang saksi, dinukot ng ilang lalaki na sakay ng kotse si Laxamana habang nag-aayos ng kanyang motorsiklo.

Kuwento ni Mary Grace Dural, kinakasama ni Laxamana, batay sa natanggap niyang impormasyon, dalawang kotse ang sinasakyan ng mga taong kumuha sa kanyang partner.

Nakuhanan ng CCTV camera ang plaka ng isa sa dalawang sasakyan. Nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa LTO para malaman kung kanino ang sasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">