Advertisers
NABUKING na gumagamit ng iligal na droga ang apat na bilanggo sa Davao City Jail matapos magpositibo sa drug test ang mga ito at nasamsam ang ilang pakete ng shabu sa isang surprise inspection ng Bureau of Jail Management and Penology sa bilangguan.
Nagsagawa ng ‘greyhound operation’ ang mga kawani ng BJMP noong Sabado, matapos makatanggap ng impormasyon ang warden ng city jail na may bagong dating na inmate na may dala umanong shabu.
Ayon sa BJMP XI, hindi nila nabisto sa inspeksyon ang nasabing inmate dahil nilunok nito ang mga iligal na droga.
Nasamsam sa operasyon ang 12 pakete ng shabu. Dahil dito ay isinailalim sa drug test ang 44 inmates mula sa selda kungsaan nakuha ang mga kontrabando.