Advertisers

Advertisers

Vhong Navarro nanatiling nakakulong sa NBI, abogado ni Cornejo nagbitiw sa kaso

0 258

Advertisers

NANATILING nakakulong sa National Bureau of Investigation ang TV host na si Vhong Navarro.

Ayon sa source, walang “special treatment” kay Navarro. Kailangan lamang niyang maihiwalay pansaman-tala sa ibang detainee dahil marami umanong nagpo-positibo sa COVID-19.

Bukod dito, ang 33 Chinese nationals na naaresto ng NBI kamakailan ay hindi narin nailipat sa Bureau of Immigration (BI) dahil sa dami ng mga ito. Okupado na ang isang palapag ng gusali ng NBI sa Quezon City. “Yung mga Chinese POGO kasi na naaresto ng NBI imbes na ilipat sa BI– yung BI na ang nagpunta sa NBI dahil sa sobrang dami nila– siyempre dumaan sila sa proseso, eh ang dami nila nagpositibo pero si Vhong ililipat din yan sa ibang preso dahil dumaan din sa proseso ‘yan kailangan lang pansaman-tala ihiwalay dahil sa dami ng nagpositibo sa COVID-19 pero walang special treatment”.



Kung bakit hindi pa nailipat ng Taguig Jail si Navarro, sinabi ng source na wala pa silang natanggap na court order para sa paglilipat ng kulungan.

Nauna nang kinuwestyon ng kampo ni Denice Cornejo kung bakit sa NBI ito ikinulong na dapat ay sa Taguig City jail.

Samantala, nagbitiw bilang abogado ni Cornejo si Atty. Ferdinand Topacio dahil sa nagiging magulo na aniya ang kaso. (J. Domenden)