Advertisers

Advertisers

Undefeated World Boxing champion Floyd ‘Money’ Mayweather tumambay sa balwarte ni Cong. Sam “SV” Verzosa sa Maynila!

0 182

Advertisers

Masasabing ibang klase ang isang Barangay sa Sampaloc Maynila dahil personal na sinamahan ni Tutok to Win Party List Representative Sam “SV” Verzosa ang sikat at kampeong boksingero na si Floyd “Money” Mayweather matapos na bumisita ito bilang pagsuporta sa pagbubukas ng sangay ng Frontrow kamakailan.

Walang kaartehang tumambay at makisalo-salo sa barangay sa Sampaloc sa Lungsod ng Maynila kung saan lumaki si Cong. Verzosa.

Matatandaang nag viral at nakita ang mga larawan at video na sa internet na masayang nakaupo sa gilid ng kalsada si Tutok to Win Party- List Rep.Verzosa katabi at kakuwentuhan ang undefeated World Boxing Champion na si Floyd Mayweather.



“Importante sa isang tao,” pagbahagi ni Rep. Verzosa, “na huwag makalimot sa kanyang pinanggalingan lalo na kung galing siya sa hirap. Ako proud ako na dito ako lumaki sa Sampaloc, Manila. Kaya naman niyaya naming tumambay si Floyd Mayweather dito sa amin para maranasan niya ang katotohanan ng buhay dito sa bansa natin. Sa kalye lang kami nag dinner at tumambay. Pero pinakita rin natin kung paano mag-asikaso ng bisita ang mga Pilipino.” ani ng Mambabatas.

Sa ginawang pahayag ni Verzosa makikita nyo sa mga larawan na tuwang-tuwa at aliw na aliw si Floyd Mayweather habang nakatambay sila sa isang kalye sa Sampaloc.

Nilatagan naman ni Congressman Verzosa ng mga pagkaing pangkaraniwang hinahanda ng mga Pilipino tuwing may salo-salo gaya ng inihaw na manok, hotdogs, at kanin. Kumuha rin si Verzosa ng sorbetero para makatikim si Mayweather ng “dirty ice cream” at makumpleto ang kanyang Pinoy streetfood and tambay experience.

Ayon kay Mayweather ito na ang pinakamagandang karanasan niya sa Pilipinas at maging sa buong Asya. Aniya “[it was his] best experience in the Philippines and in Asia so far.”

Bukod sa naging pahayag ng mambabatas, isang video ang makikitang game na game na tumira ng ilang basketbol si Mayweather sa isang ring sa kalsada. Nagpakitang gilas naman ang kampeong boksingero sa sunud-sunod niyang tira na pumasok sa ring.



Dumating si Floyd Mayweather dito sa bansa noong September 27, sa paanyaya na rin ni Congressman Verzosa, lulan ng private jet na The Money Team (TMT). Naparito siya upang pasinayaan ang bagong opisina ng Frontrow (Frontrow Headquarters).

Si Cong. Verzosa ang may-ari at Chief Executive Officer (CEO) ng Frontrow. Kasama ni Cong. Verzosa na sumalubong at nag-asikaso kay Floyd Mayweather ay ang business partner ni Verzosa na si RS Francisco.

Inanyayahan naman ni Cong. Verzosa si Mayweather na bumisita sa kanyang kinalakhang kalye sa Sampaloc, Manila, upang makapagbigay kasiyahan at inspirasyon sa mga kabataan at batang kapitbahay ni Verzosa sa Sampaloc.

“Maraming-maraming salamat sa mga ka-barangay ko at pinakitaan natin si Mayweather ng tunay na hospitality at respeto ng mga Pilipino. I’m always proud na Batang Sampaloc ako,” pagtatapos na pahayag ni Verzosa. (Cesar Barquilla)