Advertisers
Sa isinagawang press conference sa senado ni Senate President Juan Miguel Zubiri iginiit ng senador na dapat na mahuli at malagay sa kulungan ang mga pumaslang sa batikang broadcaster nasi Percival Mabasa aka Percy Lapid.
Ipinunto ni Zubiri na sagrado ang buhay ng tao at walang sinumang maaring kumitil dahil mananagot sila sa batas.
Kasabay nito nananawagan din ang senador sa mga otoridad sa NBI at PNP na bigyan ng hustisya ang pamilya Mabasa at dapat na mahuli ang mga salarin.
Iginiit pa ni Zubiri na maging si Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr ay inatasan na ang PNP ng agarang pagresolba sa kaso ng pagpatay Kay Lapid.
Nilinaw din ng senador na hindi lamang sa Pilipinas nangyayari ang ganitong uri ng pagsisikil at pamaslang sa mga mamamahayag na dapat lamang na kundenahin.
Dagdag pa ni Zubiri ang mahalaga sa ngayon ay gumagawa ng aksyon ang gobyerno para malutas ang kaso sa pagpaslang kay Mabasa. (CESAR MORALES)