Advertisers
Hiindi maipagkaila na naging masalimuot ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kamakailan ito ay dahil sa krimen na kinasasangkutan ng mga nagpapatakbo mismo ng nasabing negosyo.
Nandyan kasi iyong, sila-silang mga nagpapatakbo ang nasa likod ng pagdukot at pagpapatutubos sa kanilang mga tauhan na kapwa rin nilang Chinese national. Bukod dito, nabunyag din na karamihan din sa POGO employees ay pawang illegal aliens.
Naging mainit man ang isyu ay hindi ito pinaglagpas ng mga kinaukulan o ng gobyernong Marcos. Agad na inaksyunan ang patungkol sa isyu sa POGO. Pinagdadakip ang mga nasa likod ng pagdukot matapos ang mga isinagawang kaliwa’t kanan rescue operations.
At siyempre, matapos ang lahat ng operations ng PNP ay good news ang naging katumbas nito. Good news,kasi malinis na ang lahat at tahimik na ang lahat – wala nang nangyayaring pagdukot na kinasasangkutan ng POGO maintainers.
Simula nang matapos ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs nitong Setyembre 15 kaugnay sa isyu sa POGO ay wala ng nangyaring krimen na may kinalaman o kinasasangkutan ng mga taga-POGO partikular na ang kidnapping (with ransom).
Sa isinagawang joint hearing ng nasabing komite at Committee on Ways and Means noong nakaraang Lunes, iginiit ng PNP na wala ng mga nangyaring krimen na kinasasangkutan ng mga taga-POGO. Sa madaling salita, ‘ika ng PNP ay wala ng POGO crime related na nangyayari ngayon -“zero crime” na kung baga.
Kung magkagayun, e di pahiya to death ang mga grupo at ilang personalidad na tumutuligsa sa industriya na nagsasabing an POGO ay pinagmumulan ng social ills at nagpapalala ng kriminalidad sa bansa.
Ano kaya ang naging sekreto ng PNp at nagawa nilang magawang makontrol ang krimen sa POGO? Ang sagot opo…
Heto ang sabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting Regional Director PBGen. Jonnel Estomo kay Sen. Bato Dela Ros..ang sekreto ay lalo pag pinaigting ng pulisya police visibility. Hayun pala kung kaya, ang resulta ay … mula sa huling imbestigasyon ng Senado noong nakaraang buwan ay wala nang naitalang krimen kaugnay sa POGO sa National Capital Region at Regions 3 and 4.
Iyon lang naman pala ang sekreto…takot lang ng mga Intsik na mapa-deport. Hehehe.napakahirap kaya ng buhay nila sa Tsina.
Tano pa ni Senador Bato: “Meron bang nangyaring kidnapping pa? Meron bang nangyaring patayan (na) POGO-related?”
“Magmula nang nag-hearing tayo, up to today, walang insidente ng kidnapping sa Metro Manila,” ang naging sagot ni Gen. Estomo sa dating PNP chief.
Nag-report din sina Region 3 ARD PBGen Cesar Pasiwen at Region IV-A ARD PBGen Jose Melencio Nartatez Jr. na parehong naghayag sa mga senador na wala nang insidente ng mga krimen na kinasasangkutan ng POGO sa Central Luzon at CALABARZON.
Dahil dito, naibulalas tuloy ni Estomo sa hearing na mistulang may nananabotahe lang sa PNP o sine-scenario lang ang pambansang pulis dahil aniya’y ang sinasabing mga krimen ng mga anti-POGO ay nangyari noong July pa at hindi naman nitong kamakailan lang.
Nanindigan ang NCRPO chief sa harap ng mga miyembro ng Senado na buong PNP na kayang solusyunan ang anumang krimen hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa buong bansa at nang tanungin siya ni Sen. Sherwin Gatchalian kung dapat pa bang ituloy ang POGO, kanyang sinabi na mas gusto niyang magpatuloy ang POGO dahil nakatutulong ito sa bansa at maraming Pilipino ang nabibigyan ng trabaho.
Sa bandang huli’y nagsabi si Estomo na ipagpapatuloy ng PNP ang mga ginagawa nito upang tuluyan nang maiwasan ang POGO-related crimes. “’Pag may mangyari, gagawin namin ang tungkilin namin para mahuli namin ang mga gumagawa n’yan. Ganu’n lang kasimple, sir,” aniya.