Advertisers

Advertisers

Titser pinatumba sa halagang P100k ng kamag-anak

0 199

Advertisers

Naaresto ang apat na salarin sa pananambang sa isang Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) teacher sa isinagawang hot pursuit operation matapos ang krimen noong Miyerkules, Setyembre 28. sa Bangued, Abra.

Kinilala ni Col. Maly Cula, Abra police chief, ang mga salarin na sina Sonny Boy Gandeza Tullas, 31, construction worker, ng Cabaroan, Tayum, Abra; Abelardo Talape, 42, traffic enforcer, ng Patucannay, Tayum; Aldrin Alagao, alias “Bull,” at Rommel Paa, alias “Ambong”, gunman.

Sa ulat, umamin umano ang mga salarin na napag-utusan lang silang itumba ang biktima sa halagang P100.000.00.



Sa ulat, Miyerkules ng umaga habang papasok sa eskuwelahan nang tambangan ang biktimang si Rudy-Steward Dugmam Sayen, 38.

Sakay ng motorsiklo si Sayen nang barilin ng mga salarin na nakasakay din sa motorsiklo.

Sa report, nakatulong ang mga kuha ng CCTV sa iba’t ibang lugar sa ginawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Nakita rin ang lugar kung saan nila iniwan ang baril na ginamit sa krimen. Nabawi rin ang dalawang motorsiklo na sinakyan ng mga salarin.

Ayon sa mga salarin, napag-utusan lang sila na patayin ang biktima sa halagang P100,000.00.



Sinabi ni Police Colonel Maly Cula, Director-Abra Police Provincial Office, kamag-anak ng biktima na isang barangay official ang lumalabas na utak sa krimen.

Hindi muna tinukoy ang pangalan ng umano’y mastermind pero kasama na siya sa mga sinampahan ng kasong murder.

Away sa lupa na minimina ang lumilitaw na motibo kaya ipinapatay ang biktima.

“Ang lupa na ‘yon ay pag-aari ng pamilya, na allegedly minimina nitong mastermind ‘yung lupa na pinapatigil ng biktima na ikinagalit ng tinatawag nating mastermind,” paliwanag ni Cula.

Ayon sa ulat, wala pang pahayag ang pamilya ng biktima.

Panawagan naman ngayon ng mga pamilya at kaibigan ng biktima ang agarang pagkamit ng hustisya sa pagkamatay nito.

Napag-alaman din na napaslang sa pamamaril ang ama nito noong 2014 ngunit hanggang sa ngayon hindi pa nakakamit ang hustisya.